December 13, 2025

Home FEATURES Kahayupan (Pets)

Pugad ng mga buwaya natuklasan sa ilog sa Palawan, umani ng reaksiyon

Pugad ng mga buwaya natuklasan sa ilog sa Palawan, umani ng reaksiyon
Photo courtesy: Philippine Croc/FB

Ilang mga pugad ng buwaya sa kahabaan ng Canipaan River sa Southern Palawan ang natukoy at naisadokumento, ayon sa isang crocodile conservation group.

Batay ito sa Facebook page na Philippine Croc, rehistradong non-government organization (NGO) na "committed to support the conservation research and sustainable management of crocodiles in the Philippines."

Layunin umano ng grupo sa isinagawang Crocodile Nest Survey na matukoy at madokumentuhan ang mahahalagang lugar ng pagpapapisa ng itlog ng mga buwayang nasa ligaw.

Ayon sa grupo, ang pagtukoy sa mga pugad ay napakahalaga upang makakalap ng kinakailangang datos tungkol sa populasyon ng mga buwayang gumagala sa kagubatan at ilog ng Palawan. Makakatulong umano ang impormasyong ito sa pagsusulong ng mas epektibong conservation efforts para maprotektahan ang mga buwaya at ang kanilang natural na tirahan.

Kahayupan (Pets)

Alagang pusa, nategi dahil sa maling pagkakaunawa sa ‘pampatulog’

"Crocodile Nest Survey at Canipaan River, Southern Palawan — documenting vital nesting sites to get much needed data of wild population to support the conservation of our crocodile populations and their natural habitats," mababasa sa kanilang Facebook post.

Isa ang mga ilog sa Palawan na kilala bilang tahanan ng ilan sa pinakamahalagang species ng hayop sa bansa, kabilang na ang critically endangered Philippine crocodile at ang mas karaniwang makikitang saltwater crocodile.

Dahil dito, patuloy ang panawagan ng mga environmental groups para sa mas mahigpit na proteksyon at suporta sa mga conservation program sa lalawigan.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"First time seeing croc's nest"

"Allow them to live freely on their natural habitat."

"Ang cute, sana maproteksyunan..."

"Wow Ang dmi pla pag sla ay mangitlog"

"Thank you po ulit CPPI For helping to monitor crocs at Brgy. Canipaan. Sa susunod po ulit na taon."

Samantala, ilang mga netizen naman ang tila ginawang biro ang "buwaya."

"There's one place in QC where crocodiles thrive naturally & doesn't need conservation. They grow natural, adapt to urban life, & fatten their purse exponentially at the House of Thievery."

"In Manila theres alot of crocs nest u dont have to ride a boat. They are everywhere."

"Dami ng crocodile sa Pilipinas."

"Wala Yung mga magulang malamang nasa malacañang hahhaha"

"Yung inahin boss nasa luzon."