December 13, 2025

Home BALITA National

PBBM, nakabantay sa unang araw ng 3-day INC rally sa Maynila

PBBM, nakabantay sa unang araw ng 3-day INC rally sa Maynila
Photo courtesy: via MB

Mahigpit na binabantayan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. ang pagsisimula ng tatlong araw na kilos-protesta ng Iglesia ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand, Rizal Park, Maynila ngayong Linggo, Nobyembre 16, ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Dave Gomez.

Sa ulat ng Manila Bulletin, ayon kay Gomez, sinusubaybayan ng Pangulo mula sa Malacañang ang kilos-protestang inorganisa ng religious group na tinawag na "Rally for Transparency and a Better Democracy."

Layon ng kilos-protestang ito na itulak ang transparency at better democracy sa gitna ng umiinit na usapin tungkol sa umano’y anomalya sa ilang proyektong pang-gobyerno.

“Yes, the President is monitoring today,” pahayag ni Gomez sa mga reporter sa pamamagitan ng text message, at kinumpirmang nasa Palasyo si Marcos habang nagbabantay sa sitwasyon.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Ang nabanggit na rally ay nagsimula ngayong Linggo, Nobyembre 16 at inaasahang matatapos naman sa Martes, Nobyembre 18 sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Iginiit ng INC na bukas ang rally hindi lamang para sa kanilang mga miyembro kundi para sa lahat ng mamamayang nananawagan ng pananagutan mula sa gobyerno.

Sinabi rin umano ng grupo na hangad ng pagtitipon na itaas ang kamalayan ng publiko sa mga kontrobersiyang may kinalaman sa higit isang trilyong pisong pondo na umano’y napunta sa katiwalian sa iba’t ibang proyekto simula 2023.

Samantala, patuloy namang nagpapakalat ng mga tauhan ang mga awtoridad upang tiyakin ang seguridad at kaayusan sa mga lugar na pinagdarausan ng protesta, habang nananatiling nakaantabay ang Malacañang sa sitwasyon.