Ibinahagi ni Kapamilya actress-host na si Anne Curtis ang kaniyang pagkahabag sa mga kabataang lubos na naaapektuhan ng kalamidad at malawakang korapsyon na lumalaganap sa bansa.
Sa kaniyang Instagram story noong Sabado, Nobyembre 15, makikita ang tila pangunguwestiyon niya sa mga nasa gobyerno, hinggil sa awang nararamdaman ng mga ito para sa mga kabataan.
“Ano na? [‘Yo]ng mga nasa gobyerno, baka naman may awa pa kayo? Kawawa [‘yo]ng mga bata. They don’t deserve this!” ani Anne sa nasabing IG story.
“None of that money was ever yours!” pagdidiin pa niya.
Photo courtesy: annecurtissmith/IG
Nagpasalamat naman sa GMA Public Affairs si Anne matapos nitong ipakita at bigyang-pansin ang nakalulungkot na reyalidad ng mga Pilipino gamit ang kanilang dokyumentaryo.
“Salamat @GMAPUBLICAFFAIRS for highlighting and sharing their sad reality,” aniya.
Kalakip nito ang isang video clip ng dokyumentaryong “Broken Roads. Broken Promises” ng GMA Public Affairs, na pinangungunahan ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.
Matatandaang inihayag din ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na siya ay apektado rin sa naturang dokyu. Aniya, nakakadurog ito ng puso.
“Kagabi pagkatapos ko manood, hindi ko maalis sa isip ko ang mga taong pinaka-apektado. Iba talaga ang bigat kapag nakikita mo sila—mga pamilyang pinagkaitan ng ginhawa dahil sa mga ghost project na hindi natupad. Nakakadurog ng puso na malaman na dapat sana’y may tulong, may pag-asa… pero nauwi sa wala," ani Marian sa isang post.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Nakakadurog-puso!’ Marian apektado sa dokyu ni Dingdong sa ghost projects-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA