Kabilang si Primera Kontrabida Gladys Reyes sa mga lumahok sa tatlong araw na kilos-protestang ikinasa ng Iglesia ni Cristo (INC).
Sa Instagram story ni Gladys nitong Linggo, Nobyembre 16, ibinahagi niya ang larawan kung saan makikita ang mga kamay na naka-all for one at may suot na wrist band.
Nakasulat dito ang panawagang “transparency and accountability” na siyang isinusulong ng nasabing pagkilos.
Maki-Balita: Atty. Falcis sa ikakasang kilos-protesta ng INC: ‘Uy confirmed si tweety bird, November 15-18 ang Peace Rally’
Matatandaang si Gladys ay isa sa mga artistang miyembro ng Iglesia ni Cristo kagaya nina Bianca Umali,, Ruru Madrid, Rere Madrid, Kai Sotto, at Jon Lucas.
Samantala, ayon sa Manila City Disaster Risk Reduction and Management Office (MCDRRMO), tinatayang umabot na sa 27,000 katao ang dumagsa sa Quirino Grandstand as of 11 a.m.