December 22, 2025

Home BALITA National

CBCP umapela ng katotohanan, hustisya, due process matapos pasabog ni Zaldy Co

CBCP umapela ng katotohanan, hustisya, due process matapos pasabog ni Zaldy Co
Photo courtesy: via MB/Zaldy Co (FB)

Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa katotohanan, hustisya, at pagsunod sa tamang proseso kaugnay ng mga alegasyong isinapubliko ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co.

Tungkol ang mga pasabog niya sa umano'y ₱100 bilyong national budget insertion nina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez.

Pinatotohanan din ni Co ang mga naunang testimonya ng testigong si retired Marine TSgt. Orly Guteza tungkol sa umano'y paghahatid ng mga maleta na puno ng pera sa bahay nina PBBM at ex-HS Romualdez sa Forbes Park.

Sa inilabas na pahayag, hinimok ng CBCP si Co na umuwi sa bansa upang magsampa ng pormal na reklamo at magharap ng ebidensyang mapatutunayan.

National

Principled partner sa Quad Comm: Benny Abante, nagbigay-pugay kay Romeo Acop

"Kung totoo at mabigat ang kanyang mga ibinibintang, nararapat lamang na siya'y umuwi sa bansa at ihain ang kanyang reklamo sa tamang hukuman, sa ilalim ng panunumpa, at may kasamang matibay na ebidensya."

"Hindi sapat ang paglalabas ng pahayag sa social media; ang mga ganitong akusasyon ay dapat iharap sa ahensyang may kapangyarihang magsiyasat. Para sa kabutihan ng bayan, mahalagang masuri ito nang bukas, patas, at ayon sa batas," anila, sa bersyong pahayag na nasa wikang Filipino.

Nagbabala rin ang CBCP laban sa posibleng political exploitation ng mga alegasyon ni Co, na maaaring magamit upang impluwensyahan ang pulitikal na resulta o magpasiklab ng sentimyentong publiko.

Sa pagpapatuloy ng pahayag ni Cardinal David, binigyang-diin nito ang pangangailangan ng bayan para sa malinaw at makatarungang pag-usad ng usapin

"Karapatan ng taong-bayan ang linaw, hindi haka-haka; katotohanan, hindi tsismis; pananagutan, hindi panlilinlang," anila.

Photo courtesy: CBCP News/FB

Patuloy na sinusubaybayan ng publiko ang magiging tugon ng mga kinauukulan habang nananawagan ang Simbahang Katolika para sa mahinahong pagharap sa isyu nang may integridad at paggalang sa batas.

Nilagdaan ang pahayag ni Caloocan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David na siyang pangulo ng CBCP.

MGA KAUGNAY NA BALITA:

Maki-Balita: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez

Maki-Balita: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez

Maki-Balita: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget

Maki-Balita: Zaldy Co, kinantang si Ex-HS Martin Romualdez nag-utos na 'wag siyang umuwi

Maki-Balita: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez