Napansin ng netizens ang malaking pagbabago sa pangangatawan ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co matapos itong maglabas ng serye ng video statements kaugnay ng umano’y ₱100 bilyong insertions sa national budget, na nagsasangkot kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez.
Sa naturang mga video, hindi lamang ang sinasabing “pasabog” ni Co ang umani ng atensyon, kundi maging ang kapansin-pansing pagpayat nito.
Ito ang unang beses na nasilayan ng publiko si Co matapos ang paglipad sa ibang bansa para sa medical procedure ng kaniyang asawa, at simula nang sumabog ang mga anomalya sa flood control projects.
May ilan pang nagkomento na baka raw “stress diet” ang pinagmulan ng biglaang pagbabago sa hitsura ng dating kongresista, lalo’t ilang buwan na rin siyang nalalagay sa kontrobersiya.
Ang iba naman ay nagsabing mas malinis at mas maaliwalas umano ang hitsura ni Co ngayon kumpara sa mga lumang larawan nito.
May mga nagbirong netizens na baka "OMAD" daw ang sikreto ng dating mambabatas, ngunit sa halip na "One Meal a Day" diet, ay pinaglaruan ng mga netizen at sinabing "One Maleta a Day." May mga nagsabi pang "One Million a Day."
Tumutukoy ang maleta sa mga umano'y pinaglagyang pera na idineliver sa residence nina PBBM at dating HS Romualdez, kung saan, sinabi rin ni Co na kinukumpirma niya ang mga naunang testimonya ni Orly Guteza.
Maki-Balita: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez
Maki-Balita: 'Male-maletang pera!' Zaldy Co, kinumpirma naging testimonya ni Orly Guteza
Si retired Marine TSgt. Orly Guteza, ang dating Senate witness na nagsiwalat umano ng paghahatid ng mga maleta na puno ng pera sa bahay ni Romualdez.
"nakakapayat pala ang pagtakbo hahaha..."
"Mukhang nag-OMAD. One maleta a day hahaha."
"namayat na sa stress hahaha..."
"Wow anong diet n'yo sir, payat n'yo po..."
Habang nagpapatuloy ang pag-ugong ng isyu, patuloy ring dumaragsa ang memes at witty remarks online, na idinadaan na lang sa tawa ang mga nangyayaring seryosong usapin sa bansa.
MGA KAUGNAY NA BALITA:
Maki-Balita: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez
Maki-Balita: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez
Maki-Balita: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget
Maki-Balita: