Namaalam na bilang housemate ng Pinoy Big Brother: Celebrity Collab Edition 2.0 sina Kapamilya actress Reich Alim at Kapuso Sparkle artist Waynona Collings.
Sa latest episode ng PBB: Celebrity Collab Edition 2.0 nitong Sabado, Nobyembre 15, lumitaw ang resulta na sina Reich at Waynona ang nakakuha ng pinakamababang porsiyento ng boto sa mga nominadong housemate.
Nakakuha si Waynona ng 43.06% habang 11.69% naman ang kay Reich. Samantala, ang mga nakaligtas naman sa eviction ay sina Princess Aliyah at Fred Moser.
Pero sa kabila nito, nanatili pa rin positibo ang pagkakalarawan ng dalawang na-evict sa kanilang PBB journey.
Sabi ni Waynona, “Eventful.”
“Amazing,” naman ang saad ni Reich.
Sina Reich at Waynona ang kauna-unahang evictee sa edisyong ito ng PBB: Celebrity Collab Edition.