January 08, 2026

Home BALITA National

'Tahimik ang Pinklawans, Komunista sa exposé ni Zaldy Co!'—Sen. Bato

'Tahimik ang Pinklawans, Komunista sa exposé ni Zaldy Co!'—Sen. Bato
Photo courtesy: Ronald Bato Dela Rosa (FB)/via MB

Nagpahayag ng banat si Senator Ronald “Bato” dela Rosa sa social media laban sa mga grupong umano’y tahimik hinggil sa kontrobersiyang ibinunyag ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co, sa pamamagitan ng kaniyang video statements.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Dela Rosa na kapansin-pansing walang reaksyon tungkol dito mula sa mga tinawag niyang “Pinklawans” at “komunista” matapos ang alegasyon ni Co.

"Tahimik ang Pinklawans & Komunista sa expose ni Zaldy Co. Strategize muna sila how to appear righteous & anti-corruption kuno at the same time prevent the downfall of this gov’t from w/c they benifited a lot," pahayag ni Dela Rosa.

Photo courtesy: Screenshot from Ronald Bato Dela Rosa/FB

National

11M bata, target mabakunahan sa Ligtas-Tigdas Vaccination ngayong Enero

Hindi naman idinetalye ng senador kung anong mga benepisyong tinutukoy niya mula sa kasalukuyang administrasyon, ngunit umani ng halo-halong reaksyon ang kaniyang pahayag.

Matatandaang isiniwalat ni Co ang tungkol sa umano'y ₱100 billion insertion sa national budget ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. gayundin ni Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez.