December 13, 2025

Home BALITA

'Siya dapat magpasko sa kulungan!' Rep. Barzaga, pinatutsadahan si PBBM

'Siya dapat magpasko sa kulungan!' Rep. Barzaga, pinatutsadahan si PBBM
Photo courtesy: Kiko Barzaga/FB, file photo

May banat si Cavite 4th district Rep. Kiko Barzaga kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., hinggil sa mga isiniwalat na pahayag ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co, laban sa Pangulo.

Sa kaniyang post sa opisyal na Facebook page noong Biyernes, Nobyembre 14, 2025, iginiit ni Barzaga na si PBBM daw ang dapat magpasko sa kulungan, dahil sa alegasyon ni Co hinggil sa umano’y ₱100 bilyong insertion.

"100 billion pala ang budget insertions ni Marcos, siya dapat ang magpasko sa kulungan," saad ni Barzaga.

Matatandaang binasag ni Co ang kaniyang pananahimik matapos siyang mag-upload ng mga video statement sa Facebook, kung saan direkta niyang pinangalanan si PBBM na sangkot umano sa budget insertions.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

“The following day, sinabi ni Sec. Mina, approved na si Presidente BBM sa lahat ng binawasan na ahensya. Masaya na ang Pangulo dahil naipasok ang 100 billion [pesos] insertion,” saad ni Co.

Giit pa ni Co, wala raw siyang nakuhang pera sa kabila ng paghahatid nila ng mga nasabing insertions at napunta umano lahat iyon kina PBBM at Romualdez.

"Wala pong perang napunta sa akin. Lahat po ng insertion [ay] napunta sa ating Pangulo at Speaker Martin Romualdez,” ‘giit ni Co.

KAUGNAY NA BALITA: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez

Bago nito, kamakailan lang nang magsagawa ng press briefing si PBBM hinggil sa isyu ng maanomalyang flood control projects kung saan tahasan din niyang iginiit na sa kulungan na raw aabutan ng pasko ang lahat ng sangkot sa korapsyon ng naturang proyekto.

“Alam ko, bago mag-Pasko, marami dito sa napangalanan dito ay palagay ko, matatapos na 'yong kaso nila, buo na 'yung kaso nila, makukulong na sila. Wala silang Merry Christmas, before Christmas makukulong na sila,” pagtitiyak pa ng Pangulo. 

KAUGNAY NA BALITA: 'Wala silang Merry Christmas!' Mga sangkot sa flood control scam, tapos na maliligayang araw—PBBM

MGA KAUGNAY NA BALITA:

Maki-Balita: Ombudsman, pinapauwi si Zaldy Co; handang magbigay ng proteksyon

Maki-Balita: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez

Maki-Balita: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez

MAKI-BALITA: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez

MAKI-BALITA: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget

Maki-Balita: Zaldy Co, kinantang si Ex-HS Martin Romualdez nag-utos na 'wag siyang umuwi