December 13, 2025

Home BALITA Probinsya

Para sa climate justice! Ilang simbahan sa Quezon province, magkakasa ng 3 araw na lakad-panaghoy

Para sa climate justice! Ilang simbahan sa Quezon province, magkakasa ng 3 araw na lakad-panaghoy
Photo Courtesy: QUEEN (FB)

Nakatakdang magsagawa ng tatlong araw na lakad-panaghoy ang ilang simbahan sa probinsiya ng Quezon para ipanawagan ang hustisya sa klima.

Sa Facebook post ng Quezon for Environment (QUEEN) nitong Sabado, Nobyembre 15, sinabi nilang lumampas na sa 1.5°C ang global warming limit ng mundo.

Ibig sabihin, puwedeng makaranas ang mundo ng sobrang init na panahon.  Tinatayang aangat sa 66% ang posibilidad na tumaas ang temperatura batay sa World Meteorological Organization (WMO).

“Lumampas na tayo sa 1.5°C," saad ng QUEEN. "Patuloy ang pag-imbita sa malalakas na kalamidad. Nasa bingit ng pagkaubos ang saribuhay. Dumadanak ang dugo ng buhay kasabay ng rumaragasang kulay kapeng tubig mula sa kabundukang kinamkam ng mga makina.”

Probinsya

Unang fully air-conditioned public school, bukas na sa San Pedro, Laguna

Dagdag pa nila, “Patuloy na ipinagpapalit ang interes ng mamamayan sa kita ng maruming gatong ng kuryente. Palihim tayong pinapatay ng polusyon. At nilulunod tayo sa korapsyon.”

Magsisimula sa Parokya ni San Buenaventura sa Mauban, Quezon ang ruta ng lakad-panaghoy sa Nobyembre 17, 4:30 p.m.

Sa ikalawang araw, tutulak ang lakad-panaghoy mula Our Lady of the Visitation Parish sa Tabayas, Quezon patungong St. Catherine of Alexandria Parish sa Pagbilao, Quezon. 

At mula roon, maglalakad sila patungong Atimonan, Quezon kung saan itinatayo ang 1,2000 Megawatt (MW) ultra-supercritical coal-fired power plant project.

Matatandaang nagsampa ang QUEEN ng kasong administratibo at kriminal laban kay Department of Energy (DOE) Sec. Sharon Garin matapos nitong aprubahan ang naturang proyekto.

Maki-Balita: Ilang grupo, inireklamo si DOE Sec. Garin matapos aprubahan coal project sa Atimonan