December 12, 2025

Home BALITA Politics

Pangilinan binoldyak si Dela Rosa: 'Hindi kami nananahimik!'

Pangilinan binoldyak si Dela Rosa: 'Hindi kami nananahimik!'
Photo Courtesy: Kiko Pangilinan, Bato Dela Rosa (FB)

Bumwelta si Senador Kiko Pangilinan sa pahaging ng kapuwa niya senador na si Senador Bato Dela Rosa.

Ito ay matapos sabihin ni Dela Rosa na tahimik umano ang mga Pinklawan at komunista sa pasabog ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co sa talamak na korupsiyon sa gobyerno.

Ngunit sa latest Facebook post ni Pangilinan nitong Sabado, Nobyempre 15, sinupla niya ang pahayag na ito ng kapuwa niya senador.

Maki-Balita: 'Tahimik ang Pinklawans, Komunista sa exposé ni Zaldy Co!'—Sen. Bato

Politics

'Ninakaw nila ang Pasko!' Sen. Imee, ibinalandra pulang bag na buwaya

“Hindi kami nananahimik, nagmamasid kami at tinitimbang nang husto kung ano sa paniwala namin ang pinakamainam hindi para sa sinuman na nakaupo kundi para sa palagay namin ay ikabubuti ng bansa,” saad ni Pangilinan.

Dagdag pa niya, “Responsibilidad namin tiyakin na may saysay ang ingay namin at mauuwi ito sa pagpapanagot sa mga nagkasala.”

Matatandaang isiniwalat ni Co ang tungkol sa umano'y ₱100 billion insertion sa national budget ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. gayundin ni Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez.

Samantala, sa ikalawang bahagi naman ng kaniyang pasabog, naglabas siya ng mga resibo para patunayang hinatid umano kina Marcos, Jr. at Romualdez ang mga male-letang naglalaman ng perang limpak-limpak.

MGA KAUGNAY NA BALITA:

Maki-Balita: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez

Maki-Balita: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez

Maki-Balita: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget

Maki-Balita: Zaldy Co, kinantang si Ex-HS Martin Romualdez nag-utos na 'wag siyang umuwi