December 13, 2025

Home BALITA National

Ombudsman kay Co: Kung layunin ay hustisya, idaan sa tamang proseso hindi sa ingay

Ombudsman kay Co: Kung layunin ay hustisya, idaan sa tamang proseso hindi sa ingay

Nagbigay-mensahe ang Office of the Ombudsman kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co nitong Sabado, Nobyembre 15.

Sa isang pahayag ng Ombudsman, sinabi nito na may tamang daloy ang seryosong imbestigasyon. 

"Sa bawat seryosong imbestigasyon, may tamang daloy: ang mga testigo ay lumalapit, nagsusumite ng salaysay, at dumadaan sa masusing beripikasyon. Mabagal man ito minsan, ito ang tanging paraan para masigurong ang hustisya ay matibay, hindi haka-haka," anila.

Pinili raw ni Co na umiwas sa prosesong ito.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Maki-Balita: Ombudsman, pinapauwi si Zaldy Co; handang magbigay ng proteksyon

Sa huling bahagi ng pahayag, pinauuwi ng Ombudsman si Co at isumite ang salaylay at ipaberipika ang mga naging pahayag nito. 

Giit pa, kung ang layunin daw ni Co ay makamit ang hustisya, daanin daw ito sa tamang proseso at hindi sa ingay.

"G. Co — umuwi kayo. Isumite ang inyong salaysay. Ipaberipika ang inyong mga pahayag. Sumailalim sa parehong proseso na pinagdadaanan ng lahat. Kung tunay na layunin ninyo ang hustisya, dito iyon magsisimula — hindi sa ingay, kundi sa tamang proseso," anang Ombudsman.

Bago ang pahayag na ito, hinamon muna ni Co ang Ombudsman patungkol kay Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez, sa ikalawang bahagi ng inilabas niyang video.

Maki-Balita: 'Kung seryoso ka talaga!' Zaldy Co, hinamon si Ombudsman Remulla, idamay si ex-HS Romualdez

MGA KAUGNAY NA BALITA:

Maki-Balita: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez

Maki-Balita: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez

MAKI-BALITA: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez

MAKI-BALITA: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget

Maki-Balita: Zaldy Co, kinantang si Ex-HS Martin Romualdez nag-utos na 'wag siyang umuwi