Binasag na ni dating House Speaker Martin Romualdez ang kaniyang katahimikan hinggil sa mga alegasyong ibinabato sa kaniya ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Elizaldy Co.
Sa inilabas na pahayag ni Romualdez nitong Sabado, Nobyembre 15, 2025, tahasang iginiit ni Romualdez, nananatili pa rin daw na malinis ang kaniyang konsensya.
“My conscience remains clear!” ani Romualdez.
Saad pa niya, wala rin daw kahit na sino ang direktang nagtuturo sa kaniya sa mga maling gawaing pilit na idiniddin sa kaniya ni Co, kaugnay ng maanomalyang flood control projects.
“Throughout this inquiry, no public official, contractor, or witness has pointed to any wrongdoing on my part,” anang dating House Speaker.
Pinuna rin niya ang paraan ng pagsisiwalat ni Co ng mga pahayag, dahil wala raw itong sinumpaan na kahit na ano mula sa batas.
Saad pa ni Romualdez, ipagkakatiwala na lamang daw niya sa Independent Committee on Infrastructure (ICI), Ombudsman at Department of Justice (DOJ), na siyang magsisiyasat sa katotohanan ng mga binitiwang pahayag ni Co.
Aniya, “I continue to trust the ICI, the DOJ, and the Ombudsman to evaluate all statements fairly and strictly on the basis of evidence.”
Patuloy din daw makikipagtulungan sa batas si Romualdez, hanggang sa makalkal umano ang katotohanan.
Matatandaang noong Biyernes, Nobyembre 14, nang isiwalat ni Co ang mga umano’y kaugnayan ni Romualdez at Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa budget insertions ng mga proyektong may kinalaman sa flood control projects.
MGA KAUGNAY NA BALITA:
Maki-Balita: Ombudsman, pinapauwi si Zaldy Co; handang magbigay ng proteksyon
Maki-Balita: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez
Maki-Balita: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez
MAKI-BALITA: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez
MAKI-BALITA: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget
Maki-Balita: Zaldy Co, kinantang si Ex-HS Martin Romualdez nag-utos na 'wag siyang umuwi