Excited na ibinahagi ng social media influencer na si Mimiyuuuh sa kaniyang followers ang “condo tour” sa kaniyang bagong unit matapos niya itong bilhin bilang birthday gift sa sarili.
Sa Instagram account ni Mimiyuuuh, opisyal niyang inanunsyo na bumili siya ng condo unit sa Makati para sa kaniyang 29th birthday.
“Ano kaya magandang gift sa sarili ko for my 29th birthday?” saad ng social media star sa kaniyang Instagram reel skit.
“Siguro condo, teh? So, ayon may condo na po ako!” Masaya niyang anunsyo sa nasabing reel habang nagsasayaw ito sa background.
Ang milestone niyang ito ay sinalubong ng pagbati mula sa fans, mga kaibigan, at ilan pang kilalang personalidad na masugid din niyang taga-suporta.
“HAPPY 29TH BIRTHDAY TO MEEEEEEEEE! GONNA FULFILL MY MIMIYUUUH AND THE CITY FANTASY! SI CARRIE NG SALCEDO ANG ATAKE!” saad ng social media star sa kaniyang caption.
“Welcome to Makati sissss!!!!!! Tara na mag pilates na tayo at matcha hahaha,” pagbati ng Filipino drag performer na si Marina Summers.
“Grabe nakaka proud ka,” saad ng kilalang makeup artist na si Thazzia Falek.
“So happy for you!!!” ani Bianca Gonzales.
“[A]yan naaa mapupuno na ng laman yan very soon ,” saad naman ng Star Magic actor at model na si Eian Rances.
Unang nakilala si Mimiyuuuh sa kaniyang “Dalagang Pilipina” challenge sa Youtube noong 2019.
Ibinahagi rin niya sa media na bago sumikat, isa siyang breadwinner.
Kaya sa vlogs niya, bukod sa life updates, makikita rin na pinapayuhan niya ang kaniyang followers na patuloy mangarap sa buhay.
Sean Antonio/BALITA