December 13, 2025

Home BALITA National

'Male-maletang pera!' Zaldy Co, kinumpirma naging testimonya ni Orly Guteza

'Male-maletang pera!' Zaldy Co, kinumpirma naging testimonya ni Orly Guteza
Photo courtesy: Zaldy Co (FB)/via MB

Kinumpirma ni dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co ang mga naunang pahayag ni Orly Guteza na umano'y naghatid ang huli ng male-maletang pera sa Malacañang at Forbes Park para umano kina Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. at Leyte 1st District Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez, sa ikalawang bahagi ng kaniyang rebelasyon, na inupload ngayong araw ng Sabado, Nobyembre 15.

Si retired Marine TSgt. Orly Guteza, ang dating Senate witness na nagsiwalat umano ng paghahatid ng mga maleta na puno ng pera sa bahay ni Leyte Rep. at dating House Speaker Martin Romualdez.

Si Guteza ay ipinrisinta ni Sen. Rodante Marcoleta sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee noong Setyembre.

Sa bagong video statement ni Co sa kaniyang Facebook account nitong Sabado, Nobyembre 15, 2025, ipinagpatuloy niya ang pagkukuwento tungkol sa ₱100 bilyong budget insertion na may kaugnayan daw kina PBBM at sa dating House Speaker.

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Pinatotohanan ni Co ang umano'y mga naging testimonya ni Orly Guteza patungkol dito, nang humarap siya sa Senate Blue Ribbon Committee hearing, kung saan inamin niyang umano'y nag-deliver sila ng male-maletang pera sa Forbes Park, gayundin sa Malacañang.

'Yong mga deliveries po ay merong record ang aking mga tao. Totoo po 'yong sinasabi ni Orly Guteza na nag-deliver siya sa Forbes Park. Totoo din po ang sinasabi ni Orly Guteza na nag-deliver siya sa Malacañang no'ng siya ay nasa Senado."

KAUGNAY NA BALITA: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez

Kamakailan lamang, sinabi ni Sen. Imee Marcos na tila babaligtad daw sa testimonya niya si Guteza dahil sa pressure na natatanggap daw nito, at pagbabanta sa kaniyang sarili at sa kaniyang pamilya. Hindi na rin kasi mahagilap pa ang nabanggit na testigo, na tila nagtatago na raw.

“Ang mangyayari ngayon, magre-recant ang mga testigo. Panoorin ninyo, sigurado ako diyan. Isa-isa ‘yan na biglang babaliktad dahil pini-pressure, tinatakot ang pamilya, at halos tinutukan ang asawa’t anak,” pahayag ni Sen. Imee sa ambush interview sa Senado.

Dagdag pa ng senadora, “Alam na ninyo kung sino yung pinakamatindi ang testimonya. Kasi pinakamabigat ang kaniyang testimonya. Dahil doon, may personal knowledge at matapang na ibinunyag ang lahat, talaga namang tinakot nang todo-todo… Hindi tama itong gawain nila.”

KAUGNAY NA BALITA: ‘Tinakot na pamilya?’ Orly Guteza, babaligtad bilang testigo dahil sa umano’y pine-pressure—Sen. Imee

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag ang Palasyo hinggil sa mga bagong pasabog ni Co.

MGA KAUGNAY NA BALITA:

Maki-Balita: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez

Maki-Balita: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez

Maki-Balita: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget

Maki-Balita: Zaldy Co, kinantang si Ex-HS Martin Romualdez nag-utos na 'wag siyang umuwi