December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Lampungan nina Bea Alonzo, Vincent Co naispatan!

Lampungan nina Bea Alonzo, Vincent Co naispatan!
Photo Courtesy: via PEP

Lumutang ang video clips ng sweet moment ni Kapuso star Bea Alonzo kasama ang bilyonaryo niyang boyfriend na si Vincent Co.

Ayon sa ulat ng Philippine Entertainment Portal (PEP) noong Biyernes, Nobyembre 14, kuha umano ang nasabing video sa 58th birthday celebration ng ermats ni Bea na si Mary Anne Ranollo.

Idinaos ang naturang pagdiriwang sa isang music bar sa Quezon City.

Mapapanood sa video na naka-back hug si Bea kay Co habang sila ay nakatayo. Samantala, sa isa pang video, makikita naman ang pagyakap at paghalik ng aktres sa kaniyang nobyo. 

Relasyon at Hiwalayan

Gulat yarn? Coco, biglang tinuka si Julia sa ABS-CBN Christmas Special

Matatandaang lampas kalahating taon na simula nang pumutok na may namamagitan kina Bea at Vincent matapos silang maispatang magkasama sa Espanya.

Kaugnay na Balita: Bea Alonzo, rumored jowang si Vincent Co naispatang magkasama sa airport

Kaugnay na Balita: Bea Alonzo, businessman na si Vincent Co, nagde-date?

At makalipas lang ang ilang buwan, inamin na mismo ng aktres ang real score sa pagitan nila ni Co nang makapanayam siya sa ginanap na GMA Gala 2025 noong Agosto.

“I think it’s very obvious, yeah, that we’re together,” pakli ni Bea.

Maki-Balita: Bea Alonzo sa relasyon nila ni Vincent Co: 'It's very obvious, we're together!'

Samantala, hindi rin siya nakaligtas sa intrigang nagdadalang-tao na umano siya matapos mapansin ng ilang netizens ang baby bump niya sa isang video at larawan na kumalat kamakailan.

Pero sabi ni Bea, “[F]or anyone curious about ‘the picture’ — just caught at a bad angle after an amazing dinner. Glowing, not expecting.”

Maki-Balita: 'Glowing, not expecting!' Bea Alonzo busog lang, hindi buntis!

Maraming fans tuloy ang natuwa at pumiri sa mahinahong pagsagot ni Bea sa intriga. Anila, natural lang na “mag-glow” ang aktres dahil sa natatanggap nitong saya at pagmamahal, lalo na mula sa mga mahal nito sa buhay.