December 12, 2025

Home BALITA

'Hindi kapani-paniwala!' De Lima, dudang wala raw natanggap na kickback si Zaldy Co

'Hindi kapani-paniwala!' De Lima, dudang wala raw natanggap na kickback si Zaldy Co

Tinawag ni Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Leila de Lima na “hindi kapani-paniwala” ang pagtanggi ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co na hindi umano siya tumanggap ng kickbacks mula sa mga kuwestiyonableng infrastructure project.

“Hindi kapani-paniwala ang sinabi ni former Rep. Zaldy Co na wala raw siyang natanggap na kickback sa mga maanomalyang infra projects,” ayon kay De Lima nitong Sabado, Nobyembre 15.

Bilang House deputy minority leader, muling nanawagan si De Lima sa dating kongresista na bumalik ng bansa at harapin ang mga paratang, “At any rate, we reiterate our call for former Rep. Zaldy Co to return to the country, face the allegations against him, and present the whole truth before the appropriate forum.”

Dagdag niya, dapat makipagtulungan si Co sa imbestigasyon. 

DSWD Sec. Gatchalian, may alok na ₱100K pabuya sa makakapagturo ng salarin sa asong pinutulan ng dila

“Kung talagang handa siyang ilabas ang lahat, kailangan niyang makiisa sa mga imbestigasyon, at sumagot sa mga tanong,” saad ni De Lima.

Binigyang-diin din ng mambabatas na hindi maaaring maging ebidensya sa hukuman ang mga pahayag ni Co sa kanyang mga video.

 “Dahil kahit makailang part pa umabot ang videos niya, hindi magagamit sa korte ang kanyang mga salaysay at ipinapakitang mga ebidensya kung hindi niya panunumpaan sa tamang forum,” aniya.

Noong Biyernes, Nobyembre 14, bumasag ng katahimikan si Co—dating chairman ng House Committee on Appropriations—tungkol sa alegasyong nakatanggap siya ng kickbacks mula sa mga anomalya sa flood control projects.

Sa kaniyang unang video na tinawag na “Part 1,” sinabi ni Co na iniutos umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglalagay ng P100 bilyong infrastructure projects sa 2025 national budget. Ayon pa sa kanya, sinabi umano noon ni dating House Speaker Martin Romualdez: “What the President wants, he gets.”

Sa paglabas naman ng ikalawang video ni Co nitong Sabado, kung saan sinabi niyang tumanggap umano si Marcos ng P25 bilyong kickbacks mula sa proyekto, iginiit ni De Lima na kailangan ng publiko ng konkretong ebidensya.

“Ang gusto ng taumbayan: Buong katotohanan. Matitibay na ebidensya para sa malakas na mga kaso; walang paghuhugas ng kamay, walang pinagtatakpan. Walang maitim na agenda,” ani De Lima.

“Higit sa lahat, maipakulong sa lalong madaling panahon ang lahat ng sangkot, at maibalik ang mga ninakaw sa kaban ng bayan,” dagdag pa niya.

Sa ikalawang video exposé, sinabi ni Co, “Wala pong perang napunta sa akin. Lahat po ng insertion napunta sa ating Pangulo at [former] Speaker Martin Romualdez.”

MGA KAUGNAY NA BALITA:

Maki-Balita: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez

Maki-Balita: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez

Maki-Balita: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget

Maki-Balita: Zaldy Co, kinantang si Ex-HS Martin Romualdez nag-utos na 'wag siyang umuwi