Hinikayat ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr., ang mga kapuwa niya militar na huwag magpadala sa mga kaguluhang nangyayari sa politika.
Ayon sa naging talumpati ni Brawner sa Davao City nitong Sabado, Nobyembre 15, sinabi niyang huwag daw magtuon ang mga militar sa mga nangyayari ngayon sa loob ng politika.
“Marami tayong trabaho at marami tayong naririnig na mga kaguluhan sa ating politika, huwag po tayong mag-focus doon,” saad ni Brawner.
Sa halip, mas mahalaga raw na mas pagtuunan nilang ang pagseserbisyo sa bansa.
“Instead let us focus on our job. Marami pa tayong kailangang gawin,” giit pa niya.
Matapos nito, nagawa ring batiin ni Brawner si Lt. Gen. Luis Bergante sa pagreretiro nito at paghalili ni Major General Ariel Orio bilang bagong mamumuno sa mga tropa nila sa Eastern Mindanao Command (EastMinCom).
“Once again, congratulations to Rex. Happy birthday and I hope that you will have a nice retirement[...]”
“And to Adonis, let’s battle up and let’s keep the road running,” pagtatapos pa niya.
Matatandaang pinanindigan na rin ni Brawner ang kanilang katapatan sa konstitusyon sa gitna ng umuugong na umano’y kudeta laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
MAKI-BALITA: Brawner sa mga umuudyok sa AFP na mag-kudeta: ‘Wag na po kayong umasa!’
“We remain professional. So, disiplinado po ‘yong ating mga sundalo. Kaya itong mga nananawagan po na sumama ang mga sundalo sa mga rallies, o kaya sa mga panawagan nila ng kudeta, ‘wag na po kayong umasa,” saad ni Brawner noong Biyernes, Nobyembre 14, 2025. Dagdag pa niya, “Ang Armed Forces of the Philippines ay hindi gagawa ng unconstitutional activites. [...] We will stick to the rule of law at hindi po tayo lalabag dito. Hindi po tayo magkukudeta. Hindi tayo magmi-military junta. Dahil ang kawawa po ay ang ating bansa ‘pag ginawa natin ito.”
MAKI-BALITA: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget
MAKI-BALITA: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez
MAKI-BALITA: PBBM, binulyawan umano noon sina Romualdez, Co sa sobrang pangungupit sa Kongreso—Toby Tiangco
Mc Vincent Mirabuna/Balita