December 14, 2025

Home BALITA Internasyonal

Dokumentaryo sa kabataang Pinoy na maninisid ng ginto, Emmy Awards nominee!

Dokumentaryo sa kabataang Pinoy na maninisid ng ginto, Emmy Awards nominee!
Photo courtesy: International Emmy Awards (FB)

Nominado sa ika-53 International Emmy Awards ang dokumentaryong tumatalakay sa istorya ng kabataan na sumisisid ng ginto sa ilalim ng tubig. 

Pasok sa listahan ng mga nominado sa ilalim ng current affairs category, ang nasabing dokumentaryo ay may titulong, “PHILIPPINES: DIVING FOR GOLD” na ginawa ng French production na Keyi Productions at Arte G.E.I.E (European Economic Interest Grouping). 

Tinalakay sa halos 40 minutong dokumentaryo ang paghuhukay ng mga lagusan at pagsisid ng kabataan sa dagat para makapagmina ng ginto kapalit ang pangtustos sa araw-araw nilang mga pangangailangan. 

Ipinakita rin dito na mula sa murang edad na 13 hanggang 15, nagsisimula nang manisid at magmina ng ginto ang ilan sa kanila, kung saan, hindi alintana ang dilim at lalim ng tubig, kinakapa nila ang mga bato at putik sa layong makapagsala ng maraming ginto pag-ahon. 

Internasyonal

Japan, niyanig ng magnitude 6.7 na lindol; tsunami advisory, inisyu

Ayon sa social media ng Emmy Awards, ang mga nanalo ay i-aanunsyo sa darating na Lunes, Nobyembre 24 sa New York City, USA. 

Sean Antonio/BALITA