Hinamon ni dating Ako Bicol party-list Zaldy Co ang Senado na magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa naging rebelasyon niyang umano'y ₱100 billion insertion sa national budget ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr., batay sa inilabas niyang ikalawang video statement tungkol dito, nitong Sabado, Nobyembre 15.
Aniya, alam daw niyang hindi umano gagawin ni Ombudsman Jesus Crispin "Boying" Remulla na imbestigahan ang Pangulo.
Pahayag ni Zaldy Co, "Kaya ngayon ay hinahamon ko si Ombudsman Remulla, kung seryoso talaga siya sa mga sinasabi niya sa kaniyang press release na idadamay niya pati si Martin Romualdez, kung magbibigay ako ng ebidensya."
"Patunayan niya ngayon ang pronouncement niya na iimbestigahan niya ang fraternity brod ang kaniyang kaibigan na si [dating] Speaker Martin Romualdez kung talagang tutupad siya sa tungkulin niya," dagdag pa ni Co.
Maki-Balita: 'Kung seryoso ka talaga!' Zaldy Co, hinamon si Ombudsman Remulla, idamay si ex-HS Romualdez
"Imbestigahan din niya si President Bongbong Marcos, sabi nga ni BBM noong SONA, 'Let's do it right. At mahiya naman kayo,' hindi po ba?'" aniya pa.
"Nananawagan din po ako sa Senado na imbestigahan ang ₱100 billion insertion ni Presidente, alam ko po na hindi gagawin ni Ombudsman Remulla ang hamon ko," ayon sa pahayag ni Co.
"Pero magaling ang Senado sa imbestigasyon at ako ay naniniwala na dahil sa kanila, lalabas ang katotohanan," giit pa ni Co.
Samantala, wala pang pahayag ang Senado hinggil sa naging hamon sa kanila ni Co.
MGA KAUGNAY NA BALITA:
Maki-Balita: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez
Maki-Balita: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez
Maki-Balita: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget
Maki-Balita:
Maki-Balita: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez