Tila nawindang ang maraming netizens sa pagpanaw ng karakter na ginagampanan ni actor-singer Boboy Garrovillo sa “Encantadia Chronicles: Sang’gre.”
Sa Facebook post kasi ng GMA Network noong Biyernes, Nobyembre 14, ibinahagi nila ang isang poster bilang pamamaalam kay “Lolo Javier.”
“Paalam, Lolo Javier! “ saad sa caption.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Busetttt. Muntik n Buti n lng tlg nag babasa muna ako Bago mag comment."
"Buseeeet,,,! Pagopen ko ng cp ko ito nabungaran ko, nashock talaga, haaaiíst fake news lng pala sa tele serye lng pala xa namatay, haàyy suusss!"
"linakihan sana yong “sang’gre” eh no? MWHAHAHAHAHA"
"muntik n mpa share at lgyan ng caption n R.I.P hype n yan "
"Camille Prats pasok"
"I WAS ABOUT TO SAY "CONDOLENCE" TAPOS NAKITA KO YUNG 'ENCANTADIA' "
"Nagulat ako Buti inulit ko basahen Muntik nko mag condolence"
"Huhuhuhu kinabahan ako"
Matatandaang si Lolo Javier—-na ginampanan ni Boboy—ay ang foster lolo ni Terra played by Bianca Umali na isa sa mga bida ng serye.
Pumanaw si Lolo Javier matapos atakehin ng kalabang si Mitena. Sinubukan pa siyang pagalingin ni Terra sa pamamagitan ng Brilyante ng Lupa ngunit hindi na niya ito nagawa.