Pumanaw na ang beteranang aktres at humanitarian na si Rosa Rosal nitong Sabado, Nobyembre 15, sa edad na 96.
Bilang gobernadora ng Philippine Red Cross (PNRC), kinumpirma ng ahensya ang tungkol sa malungkot na balita, sa pamamagitan ng kanilang post sa opisyal na Facebook page.
Sa nasabing tribute, kinilala ng ahensya ang higit pitong dekadang serbisyo ni Rosal sa pagtulong sa kanilang blood donation drive sa iba’t ibang parte ng bansa.
“For over 7 decades, Gov. Rosal devoted her life to the service of the Red Cross. She championed voluntary blood donation across the country, strengthened PRC’s welfare services, and used every platform she had to promote compassion, volunteerism, and the protection of the most vulnerable,” pagkilala ng PNRC.
Sa mga taon ng serbisyong ito, tiniyak ng PNRC na ipagpapatuloy nila ang legasiya ng pagmamahal at pagiging makatao na iniwan ni Rosal.
“Gov. Rosal leaves behind a legacy of genuine service, dignity, and love for humanity, a legacy that will continue to guide the Philippine Red Cross and inspire generations of volunteers,” pagtitiyak ng ahensya.
Sa mensaheng pakikidalamhati naman ni PNRC Chairman Dick Gordon, kinilala niya ang “tireless advocacy” ni Rosal bilang daan sa paghubog ng pambanasang kamalayan sa importansya ng pagbibigay ng dugo sa mga Pinoy.
“Through her tireless advocacy, she helped create a national consciousness for voluntary blood donation, inspiring countless Filipinos to give the gift of life,” ani Gordon.
Nagbalik-tanaw din ang chairman sa mga naging parangal kay Rosal at sa puso niyang makatulong sa pagbibigay ng buhay sa mga Pinoy.
“For her humanitarian work, outstanding leadership, and lifelong commitment to public service, she was bestowed the prestigious Ramon Magsaysay Award—Asia’s highest honor. She was also awarded the Order of the Golden Heart (Grand Cross) in 2006, a civilian distinction conferred by the President of the Philippines for a lifetime dedicated to public service,” pagpupugay ni Gordon.
Ipinanganak bilang Florence Lansang Danon noong Oktubre 16, 1929, ginamit niya ang pangalang “Rosa Rosal” simula ng pagpasok niya sa mundo pelikula noong 1949.
Kalauna’y mas nagningning pa sa mga ginampanan niyang karakter sa mga pelikula tulad ng Sonny Boy (1955), Anak Dalita (1956), at Badjao (1957).
Taong 1950, naging parte ng PNRC si Rosal bilang volunteer sa kanilang blood donation program.
Taong 1965, nagkaroon siya ng posisyon sa Board of Governors ng ahensya.
Bukod sa pagiging aktres, nakilala rin si Rosal sa kaniyang dedikasyon sa pagpapalaganap ng donasyon ng dugo sa bansa, dito ay nakilala rin siya bilang isa sa mga instrumento para mas mapalaganap ito sa mga paaralan at military base.
Sean Antonio/BALITA