December 13, 2025

Home BALITA

Bakit may 2024?' Usec. Castro, binakbakan mga maletang ibinalandra ni Zaldy Co

Bakit may 2024?' Usec. Castro, binakbakan mga maletang ibinalandra ni Zaldy Co

Tinawag ng Malacañang na “kasinungalingan” at bahagi ng “propaganda” ang mga pahayag ng dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, kasabay ng pagbanggit sa umano’y hindi pagtutugma ng kanyiang mga sinabi at mga totoong pangyayari.

Sa isang panayam nitong Sabado, Nobyembre 15, 2025, iginiit ni Presidential Communication Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro ang tila mga petsa sa larawan ng mga maletang ibinhagi ni Co, na naglalaman daw ng pera para kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., at dating House Speaker Martin Romualdez.

“Sa pinakita n’ya mga maleta ay mas lalong nalubog sa kumunoy ng kasinungalingan si Zaldy Co, pansinin ang mga pinost na pictures. May petsa na January 2024, May 2024, June 2024, August 2024, at October 2024,” ani Castro.

Paglilinaw pa niya, “Nag-open ang bicam noong November 2024. Kaya paano madideliver di umano ng kanyang mga tao ang mga maleta noong January, May, June, August at October 2024 kung di pa man nagsisimula ang Bicam Conference para sa budget 2025?”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Tanong pa ni Castro, saan daw kaya nakuha ni Co ang mga petsang mas maaga pa sa sinasabi niyang mga buwan na may transaksyon para kina PBBM at Romualdez.

“Saan n’ya kinuha ang pera noong mga buwan ng taong 2024 kung sa Budget 2025 manggagaling ang diumanong mga deliveries at mga maleta lamang ang pinakitang ito?” anang PCO Undersecretary.

Tinukoy ng opisyal na sinabi ni Co na nakipag-usap umano siya kay Budget Secretary Amenah Pangandaman nang magsimula ang bicameral conference committee process noong 2024.

Giit ni Castro, dapat imbestigahan si Co upang matukoy ng mga awtoridad “kung saan nanggagaling ang kanyang mga kasinungalingan.”

Hamon pa ni Castro, “Sa sinabi niyang wala siyang kinupit na halaga kahit na nasa kamay n’ya ang pag-i-insert ng mga proyekto sa Budget 2025. Patunayan n’ya ito lalo pat nagsusumigaw ang mga yaman niyan.” 

MGA KAUGNAY NA BALITA:

Maki-Balita: Ombudsman, pinapauwi si Zaldy Co; handang magbigay ng proteksyon

Maki-Balita: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez

Maki-Balita: Zaldy Co, inilabas mga resibo ng mga maletang hinatid umano kina PBBM, ex-HS Romualdez

MAKI-BALITA: Zaldy Co, wala raw natanggap sa umano'y ₱100B insertions nina PBBM, ex-HS Romualdez

MAKI-BALITA: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget

Maki-Balita: Zaldy Co, kinantang si Ex-HS Martin Romualdez nag-utos na 'wag siyang umuwi