December 12, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Andrea Brillantes sa pagiging calendar girl ng liquor brand: 'It's still me, just braver!'

Andrea Brillantes sa pagiging calendar girl ng liquor brand: 'It's still me, just braver!'
Photo courtesy: Andrea Brillantes (IG)/via MB

Opisyal nang ipinakilala ang dating Kapamilya star na si Andrea Brillantes bilang pinakabagong muse at 2026 Calendar Girl ng isang sikat na liquor brand noong Biyernes, Nobyembre 14.

Sa edad na 22, sinabi ng aktres na lubos siyang masaya at nagpapasalamat sa malaking oportunidad na ito. Hindi maitago ang tuwa at excitement ni Blythe sa pagkakataong makasama sa listahan ng A-list celebrities na naging calendar girl din ng naturang brand.

Sa katunayan, siya mismo raw ang "hands-on" sa concept at buong look ng kalendaryo.

Sinundan ni Andrea ang yapak ng mga naglalakihang pangalan sa industriya na naging calendar girl na rin ng nabanggity na rhum brand, kabilang sina Heart Evangelista, Jessy Mendiola, Ellen Adarna, Ivana Alawi, Julia Barretto, Kylie Versoza, Bea Alonzo, at Kim Chiu.

Tsika at Intriga

'The truth is out!' Claudine proud sis, wala si Gretchen sa listahan ng DOJ

Sey pa ni Andrea, hindi naman siya nagbago kundi "braver" Blythe na ang nakikita ngayon ng lahat.

"I wouldn't say bagong Blythe. It is still me. Just braver. Mas brave na ako ngayon. I am really grateful sa lahat ng nangyari," pahayag niya.

Na mukhang totoo naman dahil kamakailan lamang, ginulat niya ang fans nang umalis na siya sa poder ng ABS-CBN at pumirma na nga ng kontrata sa TV5 para sa ilang proyekto, sa ilalim ng pamamahala ng manager na si Shirley Kuan.

Pero bago tuluyang umalis, bolder Andrea na rin ang nakita ng lahat nang magkaroon siya ng bed scene sa aktor na si Jake Cuenca sa action-drama series na "FPJ's Batang Quiapo."

KAUGNAY NA BALITA: New at palaban era na! Andrea, 'hinigop' ni Jake

KAUGNAY NA BALITA: Bathtub scene nina Andrea at Jake, inabangan; aprub ba?