December 12, 2025

Home BALITA National

‘Walang panic mode!’ Zaldy Co, mas maganda raw na umuwi mismo sa bansa—Atty. Claire Castro

‘Walang panic mode!’ Zaldy Co, mas maganda raw na umuwi mismo sa bansa—Atty. Claire Castro
Photo courtesy: RTVM (YT), MB FILE PHOTO

Nagpahayag si Presidential Communications Office Undersecretary (Usec) at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na mas maganda raw umano na umuwi si Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co sa bansa. 

Ayon sa naging press briefing ng Palasyo sa pangunguna ni Castro nitong Biyernes, Nobyembre 14, sinagot niya tanong kung mayroon ba raw “panic mode” ngayon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa maaaring public outrage kaugnay sa mga isiniwalat ni Co.

“Wala po akong nabalitaang ganiyan at kung sino po ang nagsabi niyan, muli, patunayan po niya,” pagsisimula ni Castro, “tayo po nga ay dapat papunta ng Intramuros at mayroon doong event.” 

Dagdag pa ni Castro, “so wala pong panic mode tayong pinag-uusapan. Kailangan lang po natin na magkaroon ng press briefing ngayon para po maipaliwanag sa mga kababayan natin kung sino ba talaga ang nagsisinungaling.” 

National

Middle forces, Marcos bloc kailangang magkaisa para 'di manalo Duterte bloc sa 2028—Antonio Trillanes

Sa pagpapatuloy ni Castro, hinikayat niya si Co na mas maganda raw kung babalik siya mismo sa bansa ngayon kasama ang iba pang mga “fugitive” na “nagtatago.” 

“So Mr. Zaldy Co, mas maganda po, umuwi kayo dito. Kung maaari, sabayan n’yo narin po ‘yong ibang mga fugitive na nagtatago sa ibang bansa,” pagtatapos pa niya. 

Matatandaang tahasang nagsalita si Co na nag-utos diumano si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na mag-insert ng ₱100 bilyon sa 2025 national budget.

MAKI-BALITA: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget

Sa isang video na inilabas ni Co sa kaniyang social media account, tahasan niyang sinabi ang tungkol sa planong insertion. 

"Nagsimula ito no'ng tumawag si [DBM] Sec. Amenah Pangandaman sa akin no'ng nag-umpisa ang BiCam process last year 2024. Ang sabi niya katatapos lang ng meeting nila ni Pangulo at may instructions na mag-insert o magpasok ng ₱100-billion worth of projects sa BiCam," saad ni Co.

"Sinabi pa ni Sec. Amenah, you can confirm with Usec. Adrian Bersamin dahil magkasama sila ni Pangulong BBM noong araw na 'yon. Tinawagan ko po agad si Usec. Adrian Bersamin at tinanong ko kung may instruction nga ba ang pangulo na magpasok ng ₱100 billion during their meeting. Ang sabi niya ay totoo nga po," dagdag pa ng dating kongresista.

Bukod dito, isiniwalat din ni Co na si Romualdez umano ang nag-utos sa kaniya na manatili sa ibang bansa at huwag bumalik ng Pilipinas. 

Samantala, as of this posting, wala pang pahayag sina PBBM at Romualdez sa isiniwalat ni Co.

MAKI-BALITA: Zaldy Co, kinantang si Ex-HS Martin Romualdez nag-utos na 'wag siyang umuwi

Mc Vincent Mirabuna/Balita 

Inirerekomendang balita