Maanghang ang mga pasaring ni Vice President Sara Duterte hinggil sa pahayag na makakabangon umano ang ekonomiya ng bansa sa pagsapit ng ikaapat na quarter ng taon.
Kaugnay ito sa mga ulat na bumaba umano ang ekonomiya ng bansa noong ikatlong quarter ng 2025, kasunod ang mga datos na nagpapakitang sumadsad ang halaga ng piso sa “all-time low record” nitong ₱59.170, ang pagbagal ng Gross Domestic Product (GDP) Growth, at ang paglagpak ng stock market sa “pandemic levels.”
KAUGNAY NA BALITA: 'All-time low!' Halaga ng piso kontra dolyar, bumulusok sa ₱59.170!-Balita
KAUGNAY NA BALITA: PSEi, lagpak ng 5 taon—mas mababa kaysa sa tala noong pandemya!-Balita
“Nananaginip nang gising. Kung sino man nagsasabi na makakarekober ang ekonomiya [ng Pilipinas] by fourth quarter of this year, nananaginip ‘yan nang gising,” saad ni VP Sara sa ginanap na 90th Anniversary of the Office of the Vice President (OVP) sa Makati Shangri-La, Manila nitong Biyernes, Nobyembre 14.
“Wala ‘yan sa tamang pag-iisip talaga,” tirada pa ng Bise Presidente.
Matatandaang tahasan ang pagpapahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. hinggil sa dahilan ng pagbaba ng ekonomiya ng bansa. Aniya, hindi lang umano korapsyon ang dahilan nito, dahil salik din daw ang climate change sa pangyayaring ito.
“The reason that we had that is that there was really a downturn in economic activity. You have to remember it’s not only because of these problems. ‘Yong bagyo, ‘yong nawala na working days sa ekonomiya natin, because of climate change. And you have also to remember the situation, the global situation. We are not the only ones [who are] suffering, the shocks that come from the new trade structure that has been imposed on the rest of the world—and so we are all adjusting to that,” ani PBBM.
KAUGNAY NA BALITA: PBBM, sinabing 'di lang korapsyon dahilan ng pagbaba ng ekonomiya; dahil din sa climate change!-Balita
Vincent Gutierrez/BALITA
Photo courtesy: Inday Sara Duterte/FB