Naglabas ng pahayag si Sen. Imee Marcos kaugnay sa hindi na umano pagdalo ni dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee sa pamamagitan ng Zoom.
Ayon kay Sen. Marcos sa kaniyang Facebook post nitong Biyernes, Nobyembre 14, sinabi niyang hindi na raw makontrol si Co.
“Kaya hindi itinuloy ang Zoom ni Zaldy Co dahil hindi na nila makokontrol,” mababasa sa naturang post ng senador.
Photo courtesy: Senator Imee Marcos (FB)
Bago nito, matatandaang tahasang nagsalita si Co na nag-utos diumano si Pangulong Bongbong Marcos, Jr. na mag-insert ng ₱100 bilyon sa 2025 national budget.MAKI-BALITA: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget
Sa isang video na inilabas ni Co sa kaniyang social media account, tahasan niyang sinabi ang tungkol sa planong insertion.
"Nagsimula ito no'ng tumawag si [DBM] Sec. Amenah Pangandaman sa akin no'ng nag-umpisa ang BiCam process last year 2024. Ang sabi niya katatapos lang ng meeting nila ni Pangulo at may instructions na mag-insert o magpasok ng ₱100-billion worth of projects sa BiCam," saad ni Co."Sinabi pa ni Sec. Amenah, you can confirm with Usec. Adrian Bersamin dahil magkasama sila ni Pangulong BBM noong araw na 'yon. Tinawagan ko po agad si Usec. Adrian Bersamin at tinanong ko kung may instruction nga ba ang pangulo na magpasok ng ₱100 billion during their meeting. Ang sabi niya ay totoo nga po," dagdag pa ng dating kongresista.
Bukod dito, isiniwalat din ni Co na si Romualdez umano ang nag-utos sa kaniya na manatili sa ibang bansa at huwag bumalik ng Pilipinas.
Samantala, as of this posting, wala pang pahayag sina PBBM at Romualdez sa isiniwalat ni Co.
MAKI-BALITA: Zaldy Co, kinantang si Ex-HS Martin Romualdez nag-utos na 'wag siyang umuwi
MAKI-BALITA: Giit ni VP Sara: PBBM kasama sa anomalya, dapat makulong
Mc Vincent Mirabuna/Balita