Hiningan ng komento ng mga mamamahayag si Senador Win Gatchalian kaugnay sa mga isiniwalat ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co nitong Biyernes, Nobyembre 14.
Matatandaang sa isang video na inilabas nitong Biyernes, sinabi ni Co ang dahilan kung bakit hindi siya bumabalik sa Pilipinas at pagkakaroon ng budget insertion na iniutos diumano ni Pangulong Bongbong Marcos.
Maki-Balita: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget
Maki-Balita: Zaldy Co, kinantang si Ex-HS Martin Romualdez nag-utos na 'wag siyang umuwi
Samantala, sa panayam ni Gatchalian sa mga mamamahayag sa Senado, bagama't aniya hindi niya pa raw napapanood ang video pero seryoso ang sinasabi ni Co.
"Mahirap mag-comment ngayon ano. I have to look at the video... but definitely seryoso ang kaniyang mga sinasabi pero hindi rin natin matiyak kung totoo ang kaniyang sinasabi," anang senador.
Pero para kay Gatchalian dapat physically present si Co dito sa bansa at harapin ang mga alegasyon laban sa kaniya.
"Para sa akin, kung ikaw ay walang tinatago dapat nandito ka physically. Harapin mo itong mga tanong, pumunta ka rito sa hearing, at harapin mo 'yong mga akusasyon sa'yo, hindi 'yong nagtatago ka tapos gagawa ka ng video tapos kung ano-ano 'yong sinasabi mo. I think 'yong physical presence 'yan 'yong pinakaimportante na magvi-vindicate sa'yo," ayon pa kay Gatchalian.
Bago pa man maglabas ng video si Co, sinabi ng kaniyang legal counsel na si Atty. Ruy Rondain na natatakot bumalik ng bansa ang kaniyang kliyente dahil sa mga natatanggap na pagbabanta.
Maki-Balita: Zaldy Co, takot daw bumalik ng bansa dahil sa mga natanggap na pagbabanta
At ayon naman sa naturang video ng pagsisiwalat ni Co, sinabi niyang tinawagan siya ni dating Speaker Martin Romualdez at sinabihang, “Stay out of the country. You will be well taken care of as instructed by the President.”
Maki-Balita: Zaldy Co, kinantang si Ex-HS Martin Romualdez nag-utos na 'wag siyang umuwi