Humarap sa media si Department of Budget and Management (DBM) Sec. Amenah Pangandaman nitong Biyernes, Nobyembre 14, kasunod ng mga isiniwalat ni dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co patungkol sa umano'y ₱100 bilyong insertions ni Pangulong Bongbong Marcos Jr.
Matatandaang nito ring Biyernes nang sabihin ni Co na nag-utos umano si Marcos na magpasok ng ₱100 bilyon sa 2025 national budget at nabanggit niya ang pangalan ni Pangandaman.
"Nagsimula ito no'ng tumawag si [DBM] Sec. Amenah Pangandaman sa akin no'ng nag-umpisa ang bicam process last year 2024. Ang sabi niya katatapos lang ng meeting nila ni Pangulo at may instructions na mag-insert o magpasok ng ₱100-billion worth of projects sa bicam," saad ni Co.
Maki-Balita: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget
Samantala, sa isang press briefing, sinabi ng Kalihim na ang bicam ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng lehislatura.
"The bicam (bicameral conference committee) is purely under the power of the legislature. We respect and strictly follow the budget process and all our actions are above board," saad ni Pangandaman.
Kasunod nito, iniisa-isa niya ang proseso ng pagba-budget.
"Kung maaalala n'yo po ang proseso ng budget ginagawa po ng executive ng anim na buwan, ang ating President's budget at ang ating National Expenditure Program. Ayon sa Konstitusyon, we have 30 days after the State of the Nation Address para i-submit ang National Expenditure Program sa Kongreso. At ayon din sa Konstitusyon, pagkatapos natin ma-submit ang budget sa Kongreso, magkakaroon po tayo ng briefing," paglalahad ng Kalihim.
"So ginawa din po 'yan ng Executive para ma-explicate kung ano ang laman no'ng President's budget at National Expenditure Program. Pagakatapos po no'n, magde-deliberate na po sila. Wala na pong role ang Office of the President, ang Executive sa bicam," dagdag pa niya.