Nagbigay ng reaksiyon ni dating Hashtags member Ronnie Alonte sa pahaging ng long-time girlfriend niyang si Loisa Andalio.
Sa isang episode kasi ng online talk show na “Think Talk Tea” kamakailan, nausisa kay Loisa ang tungkol sa pagpapakasal.
"Would you like to get married in the next 5 years?" tanong ni host nitong si Kring Kim.
"Sana naman, oo," sagot ni Loisa sabay tingin sa camera, "Kung okay lang naman."
Sey tuloy ni Kring, "Nananawagan po kami kay Ronnie Alonte."
"Kung okay lang, sa 9 years na 'to, hindi naman kita pinipilit. Walang sapilitan 'to ha," sundot pa ni Loisa.
Shinare naman ni Ronnie sa kaniyang Facebook account ang pubmat kung saan tampok ang pinag-usapang ito ng dalawa.
“[T]ige,” maikling sagot niya.
Umani tuloy ng samu’t saring reaksiyon mula sa mga netizen ang nasabing post. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"The pressure cooker is on hahahahaha"
"mas okay talaga pag mag asawa na kayo ni Loisa tas healthy rs kayo with 24 babies "
"Tige? Ano yan egit? Tae."
"Ayyyy bantay bitaw na erp Waiting "
"wag nio nmn paabutin ng 11 yrs...bka makathniel kau"
"Cancel ang 5years from now pwede namn nextyear hahaha (EME)"
"Bridesmaids ako mars ah Loisa Andalio"
"wrong spelling wrong Lonnie HAHAHAHA"
"Kayo nalang pag asa namin na love team couple sana maipanalo mo"
Matatandaang kamakailan lang ay umugong din ang usap-usapang nagdadalang-tao umano si Loisa. Ngunit wala pa namang inilalabas na pahayag ang mag-jowa para kumpirmahin o pabulaanan ang naturang tsika.
Maki-Balita: Loisa Andalio, preggy kay Ronnie Alonte?