December 13, 2025

Home BALITA Metro

MPD, naglabas ng listahan ng road closure sa darating na ‘Peace Rally’ sa Nov. 16-18

MPD, naglabas ng listahan ng road closure sa darating na ‘Peace Rally’ sa Nov. 16-18
Photo courtesy: MDRRMO, MB

Naglabas ng listahan ng road closures at rerouting ng mga sasakyan ang Manila Police District (MPD) bilang paghahanda sa idaraos na “Peace Rally” na pangungunahan ng religious group na “Iglesia ni Cristo” (INC) mula Nobyembre 16 hanggang 18 sa Quirino Grandstand, Luneta. 

Ang road closures at rerouting na ito ay layong matiyak ang maayos na daloy ng trapiko sa mga kalsada sa kasagsagang ng three-day rally. 

Ang mga sumusunod na kalsada at avenues ay isasara mula Nobyembre 16 hanggang 18:

Quirino Grandstand 

Metro

Misis, sinaksak ng mister sa leeg

- Bonifacio Drive mula Anda Circle hanggang P. Burgos Ave. 

- Roxas Blvd. Southbound mula Katigbak Drive hanggang Quirino Ave. 

- Roxas Blvd. Northbound mula Quirino Ave. hanggang P. Burgos Ave. 

- Katigbak Drive at South Drive

- Independence Rd. 

- East at Westbound Lane ng Kalaw Ave. mula Taft Ave. patungong Roxas Blvd. 

- Maria Orosa St. mula U.N Avenue patungong P. Burgos 

- Kahabaan ng Finance Road mula Taft Ave. hanggang P. Burgos Ave. 

- Roundtable (Palacio St. at Gen. Luna St.) 

- Mabini St. mula Kalaw Ave. papuntang UN Ave. 

CRB Mendiola 

- Kahabaan ng C.M Recto Ave. mula N. Reyes mula Mendiola 2

- Kahabaan ng Legarda mula Figueras St. hanggang San Rafael St. 

Liwasang Bonifacio

- Kahabaan ng Magallanes Drive mula Jones Bridge hanggang McArthur Bridge 

Ayala Bridge

- Ayala Bridge

- Eastbound lane ng Ayala Blvd. mula San Marcelino mula Romualdez St. 

Photo courtesy: Manila Police District (FB)
Photo courtesy: Manila Police District (FB)

Ang mga sumusunod naman ay ang vehicle rerouting scheme ng MPD sa mga araw ng nasabi ring “Peace Rally:”

Quirino Grandstand

- Ang mga sasakyan na manggagaling sa Jones Bridge, McArthur Bridge, at Quezon Bridge ay inaabisong dumaan sa Taft Ave. papunta sa destinasyon. 

- Ang mga sasakyan na manggagaling sa Ayala Blvd. na nais dumaan sa Finance Road ay inaabisong kumanan sa P. Burgos papunta sa destinasyon. 

- Ang mga sasakyan na manggagaling sa Mabini St. ay inaabisong lumiko sa U.N Ave. papunta sa destinasyon. 

- Ang mga sasakyan na manggagaling sa Ma. Orosa St. ay inaabisong lumiko sa U.N Ave. papunta sa destinasyon. 

- Ang mga sasakyan na manggagaling sa Roxas Blvd. Service Road, Northbound lane ay inaabisong limiko sa U.N Ave. papunta sa destinasyon. 

- Ang mga magagaan na sasakyan na manggagaling sa Mel Lopez Blvd. na nais dumaan sa Roxas Blvd. ay inaabisong dumaan sa Anda Circle at lumiko sa Soriano Ave. papunta sa destinasyon. 

- Lahat ng sasakyan na manggagaling sa Muralla St. sa loob ng Intramuros, na nais dumaan sa Roundtable ay inaabisong dumiretso sa Magallanes Drive o Soriano Ave. papunta sa destinasyon. 

- Lahat ng trailer truck o malalaking sasakyan na manggagaling mula sa Pasay na nais dumaan sa Roxas Blvd. Northbound ay inaabisong lumiko Pres. Quirino Ave. papunta sa destinasyon. 

- Habang ang mga magagaan na sasakyan ay pinahihintulutan dumaan sa Roxas Blvd. Service Road Northbound. 

- Ang mga sasakyan mula Westbound Lane ng Quirino Ave. ay inaabisong kumanan sa Roxas Blvd. Service Road o kumaliwa sa Roxas Blvd. Southbound lane papunta sa destinasyon. 

- Lahat ng trailer truck o malalaking sasakyan na magmumula sa Mel Lopez Blvd. (R-10) na pupunta sa Roxas Blvd. ay inaabisong kumaliwa sa Capulong St., diretso sa Yuseco St. hanggang sa Lacson Ave., papunta sa destinasyon. 

CRB Mendiola 

- Lahat ng sasakyan na manggagaling sa Quezon Blvd. at C.M Recto Ave. na nais dumaan sa Mendiola St. ay inaabisong kumaliwa sa N. Reyes St. papunta sa destinasyon. 

- Lahat ng sasakyan na manggagaling sa Legarda St. sa Sta. Mesa na nais dumaan sa C.M Recto Ave. ay inaabisong kumanan sa Figueras St. patungong Earnshaw St., at kumaliwa sa S.H Loyola papunta sa destinasyon. 

- Lahat ng kalsada na manggagaling sa P. Casal St. na nais dumaan sa Mendiola St. ay inaabisong kumaliwa sa San Rafael St. patungong Bilibid Viejo St., at kumanan sa S.H Loyola St. o N. Reyes papunta sa destinasyon. 

Liwasang Bonifacio

- Lahat ng sasakyan na manggagaling sa P. Burgos Ave. Northbound lane na nais dumaan sa Magallanes Drive ay inaabisong magtungo sa Jones Bridge papunta sa destinasyon. 

- Lahat ng sasakyan na manggagaling sa C. Muñoz ay inaabisong dumaan P. Burgos papunta sa destinasyon. 

- Lahat ng sasakyan na manggagaling sa McArthur Bridge na nais dumaan sa Magallanes Drive ay inaabisong dumiretso sa P. Burgos Ave. Southbound lane o kumanan sa Victoria St. papunta sa destinasyon. 

Ayala Bridge 

- Ang mga sasakyan na manggagaling sa Romualdez St. na nais dumaan sa Ayala Bridge ay inaabisong kumaliwa sa Ayala Blvd. at kumanan sa Taft Ave. papunta sa destinasyon o kaya nama’y dumiretso sa N. Lopez at kumanan sa A.Villegas pagkatapos ay kumaliwa sa C. Muñoz papunta sa destinasyon. 

- Ang mga sasakyan na manggagaling sa San Marcelino St. na nais dumaan sa Ayala Bridge ay inaabisong kumanan sa Ayala Blvd. at kumanan sa sa Taft Ave. papunta sa destinasyon o baybayin ang San Marcelino St. at kumaliwa sa U.N Ave. papunta sa destinasyon. 

- Ang mga sasakyan na manggagaling sa Ave. Blvd. Eastbound lane na nais dumaan sa Ayala Bridge ay inaabisong kumanan sa San Marcelino papunta sa destinasyon. 

- Ang mga sasakyan na manggagaling sa C. Palanca na nais dumaan sa Ayala Bridge ay inaabisong kumaliwa sa P. Casal papunta sa destinasyon. 

- Ang mga sasakyan na manggagaling sa Gen. Solano na nais dumaan sa Ayala Bridge ay inaabisong kumanan sa P. Casal o dumiretso sa C. Palanca papunta sa destinasyon. 

- Ang mga sasakyan na manggagaling sa P. Casal na nais dumaan sa Ayala Bridge ay inaabisong kumanan sa C. Palanca papunta sa destinasyon. 

Photo courtesy: Manila Police District (FB)
Photo courtesy: Manila Police District (FB)
Photo courtesy: Manila Police District (FB)
Photo courtesy: Manila Police District (FB)

Sa kaugnay na ulat, inanunsyo ni Manila City Mayor Isko Moreno Domagoso ang suspensyon ng face-to-face classes ng mga pampubliko at pampribadong paaralan mula Nobyembre 17 hanggang 18 para magbigay-daan sa “Peace Rally” ng INC.

Ayon sa Alkalde, magbibigay ng perimeter support ang lungsod ng Maynila sa isasagawang rally, kabilang dito ang espasyo para sa traffic, parking, police, at medical assistance, sa mga araw ng demonstrasyon, para matiyak ang kaligtasan ng publiko sa Luneta. 

Mayroon din daw istasyon na 14 ambulansya sa iba’t ibang lugar ng demonstrasyon para sa medical emergencies. 

Sean Antonio/BALITA