Lumabas sa kamakailang Tugon ng Masa Survey ng OCTA Research na malaking porsyento ng mga Pinoy ang handang ipaglaban at protektahan ang bansa sa kasagsagan ng mga problema.
Base sa resulta ng naturang survey, 70% sa mga Pinoy ang handang ipaglaban ang bansa habang 30% ay “unwilling” o “undecided.”
Karamihan ng mga sumagot sa survey ay mula sa National Capital Region (NCR), na binubuo ng 79%; sinundan ng Luzon, na 73%; Visayas sa bilang na 61%; at Mindanao sa bilang na 66%.
Ang survey na isinagawa noong Setyembre 25 hanggang 30 ay binubuo ng mga Pilipinong respondents na nasa edad 18-anyos pataas.
Ayon sa pahayag ng Department of National Defense (DND), ang resultang ito ay nagpapatunay ng lubos na patrotismo ng mga Pilipino.
“This profound sense of civic duty and patriotism cuts across ages and socio-economic classes, and speaks volumes of the enduring unity that binds the Filipino people when faced by external threats,” ani ng ahensya.
Ibinahagi rin ng DND, kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP), patuloy silang humuhugot ng lakas sa mga mamamayan at suportang ibinibigay nito para protektahan ang bansa.
“As the DND and the AFP continue to work doubly hard to establish a credible deterrent posture to prevent conflict within and near our borders, our brave soldiers draw strength from the people’s unwavering support and willingness to stand beside them,” pagtitiyak ng DND.
Sa pagtatapos ng kanilang pahayag, hinihiling ng DND na nawa’y maging matatag ang mensaheng pakikiisa ng survey na ito sa mga Pinoy. “May this message ring loudly to those who seek to sow discord among our citizens: the bonds that hold our nation together remain strong. Any attempt to undermine our values and democratic way of life will be met with steadfast resistance,” ani DND.
“Ang mga Pilipino kailanman ay hindi pasisiil,” dagdag pa nito.
Sean Antonio/BALITA