December 13, 2025

Home BALITA

Lacson, kinuwestiyon alegasyon ni Co kay PBBM: 'Why would he insert ₱100B samantalang sa NEP kayang gawin?'

Lacson, kinuwestiyon alegasyon ni Co kay PBBM: 'Why would he insert ₱100B samantalang sa NEP kayang gawin?'
Photo Courtesy: Ping Lacson, Zaldy Co (FB), via MB

Tila duda si Senate President Pro Tempore Ping Lacson sa alegasyon ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa panayam ng media kay Lacson nitong Biyernes, Nobyembre 14, kinuwesityon niya ang pagkakadawit ng pangulo sa umano’y isyu ng insertion sa bicam.

Aniya, “I’m not defending the president [but] why would he insert ₱100 billion sa bicam samantalang sa NEP [National Expenditure Program] kaya niyang gawin ‘yon, e? 

“Second, bakit niyang vineto?” dugtong pa ni Lacson.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Gayunman, nilinaw ng senador na hindi niya sinasabing unbelievable ang paratang ni Co laban kay Marcos, Jr.

“Mayro’n tayong sinasabi na common sense, only because alam ko ‘yong budgeting process, na ‘yong president may complete control over what should be inserted in the NEP. So kung gano’n din naman pala, ba’t pa siya sa bicam magpapa-insert?” ani Lacson.

Matatandaang sa isang video statement na inilabas ni Co nito ring Biyernes, tahasan niyang sinabi na ipinag-utos umano ng pangulo na mag-insert ng ₱100 bilyon sa 2025 national budget.

Maki-Balita: Zaldy Co, nanlaglag na? PBBM, nag-utos umano na mag-insert ng ₱100B sa 2025 budget