December 13, 2025

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

Issa Pressman, James Reid mas tumatatag 'pag lalong tinitibag

Issa Pressman, James Reid mas tumatatag 'pag lalong tinitibag
Photo Courtesy: Issa Pressman (IG)

Inamin ng aktres na si Issa Pressman na ilang ulit na siyang sumuko sa relasyon nila ni singer-actor James Reid.

Sa latest episode kasi ng vlog ni Kapamilya broadcast-journalist Karen Davila kamakailan, nausisa si Issa kung natatakot ba siyang iwan ng kaniyang jowa.

“I gave up so many times,” sagot ni Issa. “I tried to leave so many times… But like, he really never left. No matter how ugly it got, it made us so much stronger. Like the more they pulled us apart, the closer we got.”

Dagdag pa niya, “Then the more they tried to like break us up, the more we fell in love with each other. Because we saw each other’s like all of our ugliest truths, you know, all of our ugliest versions.”

Relasyon at Hiwalayan

Gulat yarn? Coco, biglang tinuka si Julia sa ABS-CBN Christmas Special

Matatandaang pinuntirya na naman ng bash si Issa dahil inuungkat ng netizens ang nakaraan nina James at ex-girlfriend nitong si Nadine Lustre. Hinala kasi ng iba, si Issa ang third party sa relasyon ng dalawa na nauwi sa hiwalayan.

Maki-Balita: ‘Ungkatan ng past?’ James Reid, pinalagan netizens na binabalik nakaraan nila ni Nadine Lustre

Ngunit paglilinaw ng aktres sa parehong panayam, hiningi niya ang basbas ni Nadine bago nila isapubliko ni James ang kanilang relasyon.

“From then, everything’s clear, everything’s good, let’s go out in public, and so we did. We went to a Harry Styles concert because it was so casual, nothing to hide. Suddenly, all the bashing came again,” saad ni Issa.

Sa kasalukuyan, may bago na rin namang jowa si Nadine. Apat na taon na ang nakakalipas simula nang ipakilala niya sa publiko ang French-Filipino entrepreneur na si Christophe Bariou.

MAKI-BALITA: Nadine Lustre, unti-unti na nga bang ipinakikilala sa socmed ang rumored boyfriend?