Iniimbitahan ng isang grupo ang sambayanang Pilipino sa nalalapit na Trillion Peso March Movement sa darating na Linggo, Nobyembre 30.
Ayon sa social media post ng Caritas Philippines, ang nasabing malawakang rally ay isasagawa sa People Power Monument sa EDSA Quezon City.
Saad pa ng grupo na layon ng rally na ito isigaw ang sambit ng maraming Pilipino, na panagutin ang mga may kaugnayan sa mga katiwalian sa pamahalaan.
“Filipinos will no longer stay silent against corruption. With one voice and one message, let us continue to denounce corruption and demand for justice, transparency, and accountability,” saad ng grupo.
“Join the Trillion Peso March Movement and see you there,” paghihiyakat pa nito.
Sa kaugnay na ulat, nakatakda umanong magtipon ang maraming bilang ng mga Muslim at samahan ng One Bangsamoro Movement (1BANGSA) sa tatlong araw na kilos-protesta sa EDSA People Power Monument sa Quezon City sa Nov. 16 hanggang 18.
KAUGNAY NA BALITA: Bangasomoro Movement, iba’t ibang organisasyong Muslim, raratsada sa EDSA sa Nov. 16-18!
Sa kaparehas na mga araw, isasagawa rin ng isa pang religious group na “Iglesia ni Cristo” (INC) ang kanilang “Peace Rally” sa Quirino Grandstand, Luneta.
KAUGNAY NA BALITA: MPD, naglabas ng listahan ng road closure sa darating na ‘Peace Rally’ sa Nov. 16-18
Sean Antonio/BALITA