December 13, 2025

Home BALITA

Brawner sa mga umuudyok sa AFP na mag-kudeta: ‘Wag na po kayong umasa!’

Brawner sa mga umuudyok sa AFP na mag-kudeta: ‘Wag na po kayong umasa!’
Photo Courtesy: via MB

Pinanindigan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang katapatan sa konstitusyon sa gitna ng umuugong na umano’y kudeta laban sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa panayam ng media kay AFP chief of staff Gen. Romeo Brawner Jr. nitong Biyernes, Nobyembre 14, sinabi niyang mananatiling propesyunal ang kasundaluhan. 

“We remain professional. So, disiplinado po ‘yong ating mga sundalo. Kaya itong mga nananawagan po na sumama ang mga sundalo sa mga rallies, o kaya sa mga panawagan nila ng kudeta, ‘wag na po kayong umasa,” saad ni Brawner.

Dagdag pa niya, “Ang Armed Forces of the Philippines ay hindi gagawa ng unconstitutional activites. [...] We will stick to the rule of law at hindi po tayo lalabag dito. Hindi po tayo magkukudeta. Hindi tayo magmi-military junta. Dahil ang kawawa po ay ang ating bansa ‘pag ginawa natin ito.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Matatandaang buo pa rin ang tiwala ng Palasyo sa AFP at maging sa Philippine National Police (PNP) na gagawin ng mga ito ang nararapat.

Ito ay sa kabila ng mga umano’y retiradong opisyal na hinihimok ang militar na bawiin ang suporta sa administrasyon ni Marcos, Jr.