Sinagot ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang paliwanag hinggil sa kung bakit hindi pa nakakansela ang pasaporte ni dating Ako Bicol partylist Rep. Elizaldy Co.
Sa kaniyang press briefing nitong Huwebes, Nobyembre 13, 2025, iginiit ng Pangulo na wala pa umanong kaso kay Co upang makansela ang kaniyang passport.
“The legal answer is because hindi pa nasampahan ng kaso therefore, the request for the cancellation of his passport cannot yet be made. However, when the time comes, we will immediately cancel his passport,” anang Pangulo.
Dagdag pa niya, “That's the procedure. You have to give grounds for the cancellation of the passport and those grounds will be based on the cases that will be filed against him.”
Matatandaang si Zaldy Co ang isa sa mga matataas na opisyal noon na itinuturong sangkot korapsyon sa mga budget insertions umano kaugnay ng maanomalyang flood control projects.
Noong Setyembre 29 pa ang naging huling palugit ng Kamara kay Co upang makabalik ng bansa matapos nilang mai-revoke ang kaniyang travel clearance.
KAUGNAY NA BALITA: 10 araw na palugit, ibinigay ni House Speaker Dy para makabalik ng bansa si Rep. Zaldy Co
Noong nang tuluyang magbitiw sa puwesto si Co bilang kinatawan ng Ako Bicol Partylist.
KAUGNAY NA BALITA: ‘Ito ay hindi naging madali!’ Rep. Zaldy Co, nagbitiw na sa puwesto
"Mabigat man sa aking puso, ako’y nagpaabot ng aking pagbibitiw bilang Kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso," saad ng kongresista.
"[N]gunit ito ay aking tinimbang nang mabuti para sa ikabubuti ng aking pamilya at ng mga taong patuloy kong pinaglilingkuran," dugtong pa niya.