December 13, 2025

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

'Tantanan n'yo na si AJ, focus sa mga sangkot sa flood control projects!'—DJ Chacha

'Tantanan n'yo na si AJ, focus sa mga sangkot sa flood control projects!'—DJ Chacha
Photo courtesy: DJ Chacha, AJ Raval (IG)/via MB

Tila may mensahe ang radio at TV personality na si DJ Chacha sa mga marites na nabulabog sa mga pasabog ng aktres na si AJ Raval, tungkol sa mga anak nila ni Aljur Abrenica.

Sa Wednesday episode kasi ng "Fast Talk with Boy Abunda," inamin na ni AJ na may anak na sila ni Aljur, subalit ang mas nakagugulat dito, sa halip na dalawa, tatlo na pala!

Bukod dito, nabanggit din ni AJ na bukod sa mga anak nila ni Aljur, may nauna pa siyang dalawang anak sa hindi tinukoy o pinangalanang dating karelasyon. 

Diretsahang tanong ni Boy Abunda, ay kung totoo bang may dalawang anak na sila ni Aljur.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Emosyunal na sagot ni AJ, "Actually Tito Boy, lima na po. I have 5 kids."

Nang ipaliwanag, sinabi ni AJ na may nauna na siyang dalawang anak sa dating karelasyong hindi pinangalanan. Ang panganay raw niya na pitong taong gulang na ay isang babae, na ang pangalan ay Ariana. Ang pangalawa naman ay si Aaron subalit "angel" na raw ito matapos pumanaw. 

Hindi naman tinukoy ni AJ kung sino ang ama ng nauna niyang mga anak. Kay Aljur naman, may tatlo na siyang anak na sina Aikina na panganay nila, sumunod ay si Junior, at ang bunso naman ay si Abraham.  

KAUGNAY NA BALITA: 'Not just 1, not just 2, but 3!' AJ umamin na, nakatatlong anak na kay Aljur!

KAUGNAY NA BALITA: Dalawa sa iba, tatlo kay Aljur: AJ Raval, umaming nakalimang anak na!

Kaya naman paalala ni DJ Chacha, mas dapat daw pagtuunan ng pansin ang isyu ng flood control projects, na hanggang ngayon, wala pa ring nananagot at wala pa ring naipakukulong.

Huwag na raw sanang pagtuunan ng pansin si AJ dahil kung si Kylie nga ay naka-move on na, sana rin daw mag-move on na ang mga tao at mas panggigilan ang tungkol sa isyu ng anomalya at korapsyon.

"Tantanan niyo na si AJ. Si Kylie nga naka-move on na. Dun kayo mag-focus sa mga sangkot sa flood control projects. Diyan niyo dalhin gigil at galit niyo. 42 days na lang before Christmas wala pa ring napapanagot na kurakot!" aniya.

Photo courtesy: Screenshot from DJ Chacha/FB

Matatandaang naglabas na rin ng reaksiyon at komento si Kylie patungkol sa mga rebelasyon ni AJ.

Aniya, matagal na niyang alam ang tungkol dito, subalit pinili niyang manahimik para sa kapakanan ng mga bata. 

"Ito lng po comment ko para matapos na matagal ko na pong alam pero syempre inuna po namin ang kapakanan ng mga bata."

"Sobrang close sila at yun pinaka importante. Happy that now di na kailangan mag tago. Proud of you peace all around. Sana matapos na drama.," ani Kyle.

KAUGNAY NA BALITA: Kylie sa 'anak issue' nina AJ at Aljur: 'Matagal ko na alam, happy that now di na kailangan magtago!'