Nakidalamhati sina Senate President Vicente Sotto III at House Speaker Faustino Dy III sa pagpanaw ni Chief Legal Presidential Counsel at dating Senate President Juan Ponce Enrile sa edad na 101 nitong Huwebes, Nobyembre 13.
Nitong Huwebes ng hapon, kinumpirma mismo ni Katrina Ponce Enrile ang pagpanaw ng kaniyang ama.
Maki-Balita: Juan Ponce Enrile, pumanaw na sa edad na 101
"He has dedicated his whole life, even until his last days, to public service. We will remember him for his formidable intellect and his compassion for the people especially to the employees of the Senate," saad ni Sotto sa isang pahayag.
Dagdag pa niya, "As we mourn his passing, we find comfort in knowing that the legacy of Manong Johnny will live on, etched within the walls of the Senate and his service to the nation will forever be in the hearts of many Filipino."
Sa isa ring pahayag, sinabi ni Dy na ipinagmamalaki ng House of Representatives si Enrile at lubos na kinikilala ang mga naging sakripisyo nito sa bansa.
"Aming pong pinagmamalaki si Manong Johnny at lubos na kinikilala ang kanyang mga sakripisyo na humubog sa ating bansa. Sa kanyang pagpanaw, nawalan tayo ng isang lingkod-bayan na naglaan ng mahigit limang dekada ng kanyang buhay para sa serbisyo publiko," anang house speaker.
"Aming pinaparating ang aming taimtim na pakikiramay sa buong Pamilyang Enrile. Isang tunay na lider at haligi ng sambayanan. Manong Johnny, maraming salamat po sa inyong pag-alay ng buhay sa paglilingkod sa ating bayan. Hindi ka namin malilimutan."
Matatandaang bago ito ay ibinalita ni Senador Jinggoy Estrada na dinala umano ang dating Senate President sa Intensive Care Unit (ICU) dahil sa pneumonia.
Maki-Balita: ‘Slim chances of surviving,’ Enrile, nasa ICU—Sen. Jinggoy Estrada