December 17, 2025

Home BALITA Internasyonal

Sobrang tabachoy, may malalang sakit posibleng maharang US visa—Trump

Sobrang tabachoy, may malalang sakit posibleng maharang US visa—Trump
Photo courtesy: via MB/Pexels

Posibleng mahirapan ang mga dayuhang obese o overweight o kaya naman ay may chronic disease, sa aplikasyon para sa US visa matapos magbaba ng mas istriktong guidelines ang State Department kaugnay nito.

Ayon sa mga ulat, nagbaba ng direktiba ang State Department ni US President Donald Trump sa mga embahada na suriing mabuti ang kalusugan ng mga aplikanteng dayuhan, lalo na ang mga nag-aapply para sa residency, kung may malalang kondisyon sila sa kalusugan gaya ng diabetes, heart diseases, respiratory diseases, cancer, metabolic and neurological disorders, at mental health issues.

Isaalang-alang din kung ang aplikante ay kung may obesity o labis ang katabaan.

Kasama rin sa bubusisiin sa aplikasyon ay kung may sapat na pera ba ang dayuhan para tustusan o gastusan ang kaniyang kalusugan, nang hindi kailangang umasa ng tulong mula sa pamahalaan, o sa institusyon.

Internasyonal

Mass shooting incident sa Sydney, walang nadamay na mga Pinoy

Kailangan ding makapasa sa pagsusuri ang family members ng aplikante, kagaya ng mga anak o magulang.

Bago ang nabanggit na istriktong direktiba, nauna nang inaalam sa screenings ng visa officers kung may kaso ng contagious diseases o nakahahawang sakit ang mga aplikanteng dayuhan, gaya ng tuberculosis, hepatitis, measles, at kasama pa ang vaccination records.