December 13, 2025

Home BALITA

‘May script na daw sila!' Ilang solon na sisipot sa Senate probe, lilinisin pangalan ni Romualdez?—Sen. Imee

‘May script na daw sila!' Ilang solon na sisipot sa Senate probe, lilinisin pangalan ni Romualdez?—Sen. Imee
Photo courtesy: via MB

May script na umano ang mga ilang mga kongresistang dadalo sa pagbabalik ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa maanomalyang flood control projects.

Sa panayam ng media kay Sen. Imee Marcos nitong Huwebes, Nobyembre 13, iginiit niyang sisipot umano ang ilang mambabatas upang linisin ang pangalan ni dating House Speaker Martin Romualdez. 

“Ang latest chika, ang magaganap bukas diyan sa Blue Ribbon, ay yung mga Congressman pupunta don. May script na daw sila, at liliwanaging walang kinalaman si Martin Romualdez, si Bonjing,” saad ni Sen. Imee. 

Matatandaang isa si Romualdez sa mga matataas na opisyal na idiniin sa korapsyon sa flood control projects. Bunsod ng mga alegasyon laban sa kaniya, napilitang bumaba sa kaniyang posisyon bilang House Speaker si Romualdez.

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

KAUGNAY NA BALITA: Ilang DPWH officials, pumuporsyento sa mga Discaya para umano kina Romualdez at Co

Noong Oktubre nang ipatawag ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) si Romualdez kung saan iginiit niyan nakahanda raw siyang makipagtulungan sa imbestigasyon.

KAUGNAY NA BALITA: Romualdez, tutulong sa ICI sa pagpapabilis ng imbestigasyon

Samantala, iginiit din ni Sen. Imee na hindi na umano si Romualdez ang magiging star witness ng Senado sa flood control probe sa Biyernes, Nobyembre 14.

“At ang ating VIP, hindi na star witness kasi ‘di na aappear ang dating House Speaker, kundi ang darating daw eh si Zaldy Co on Zoom. Yun ang latest na balita baka magbago pa, tignan natin baka magbago pa. Panoorin ninyo at alam naman nating lahat, niloloko lang tayo,” saad ni Sen. Imee.

KAUGNAY NA BALITA: 'Present via Zoom!' Zaldy Co, sisiputin na Senate hearing—Sen. Imee