December 13, 2025

Home BALITA

‘May makukulong na!’ Pag-aresto sa mga sangkot sa flood control scandal, di aabot ng Disyembre—Sec. Dizon

‘May makukulong na!’ Pag-aresto sa mga sangkot sa flood control scandal, di aabot ng Disyembre—Sec. Dizon

Kumbinsido si Department of Public Works and Highways (DPWH) na maaari na raw makulong ang ilang mga indibidwal na sangkot sa maanomalyang flood control projects, bago ang pagsapit ng buwan ng Disyembre.

Sa panayam ng Unang Balita kay Dizon nitong Huwebes, Nobyembre 13, 2025, iginiit niyang halos 40 katao raw ang makukulong ngayong buwan.

“Hindi na maghihintay ng Disyembre. Ngayon lang November ay may makukulong na,” ani Dizon.

Dagdag pa niya, “Kung pagsasamahin natin yung dalawang kasong yun, 26 yung sa Bulacan kasama na yung mga Discaya doon at saka si (Henry) Alcantara etc. tapos 15 doon sa Mindoro kasama kay former congressman Zaldy Co at kompanya niya, ay halos 40 tao yan na makukulong doon sa dalawang kaso pa lang na yun.”

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Ayon pa kay Dizon, sinabi umano ni Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na isasampa na sa loob ng linggong ito o sa susunod na linggo ang mga kasong kriminal na may kaugnayan sa mga proyekto ng flood control sa Bulacan at Oriental Mindoro.

“So yun po ang nagbibigay sa atin ng pag-asa linggo na lang ang bibilangin natin o baka araw na lang ay may makakasuhan na. At dahil nga non-bailable itong mga kasong ito ay may makukulong na,” anang kalihim.

Matatandang noong Hulyo 2025 nang umpisahang punahin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ang mga maanomalyang flood control projects sa kaniyang talumpati sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA).

Mahiya naman kayo sa mga kabahayan nating naanod o nalubog sa mga pagbaha. Mahiya naman kayo lalo sa mga anak natin na magmamana sa mga utang na ginawa ninyo! Na ibinulsa n'yo lang ang pera!” saad niya.

KAUGNAY NA BALITA: PBBM, sinupalpal mga korap sa flood control project: 'Mahiya naman kayo!'

MAKI-BALITA:  'Sumbong sa Pangulo' flood control tracker, inilunsad ni PBBM: 'Ako mismo ang babasa!'