December 13, 2025

Home SHOWBIZ

'Mars' Camille Prats, trending kasunod ng pagpanaw ni Enrile

'Mars' Camille Prats, trending kasunod ng pagpanaw ni Enrile
TikToClock, MB Archive

Trending topic na naman ngayon ang TV host-actress na si Camille Prats kasunod ng balitang  pagpanaw ni Chief Legal Presidential Counsel at dating Senate President Juan Ponce Enrile nitong Huwebes, Nobyembre 13, sa edad na 101.

Maki-Balita: Juan Ponce Enrile, pumanaw na sa edad na 101

Makikita sa trending topic sa X (dating Twitter) ang pangalan ni Camille dahil muling binalikan ng mga netizen ang paraan ng pag-welcome sa kaniya ng TikToClock hosts.

Matatandaang hindi nagustuhan ng maraming netizens ang paraan ng pakikiramay ng TikToClock hosts sa kapuwa host nilang si GMA Network trivia master Kuya Kim Atienza na nawalan ng anak.

Tsika at Intriga

Kim Chiu, Paulo Avelino nagsasama na sa iisang bubong?

Matapos kasi nilang magpaabot ng mensahe at pakikiramay, masigla nilang ipinakilala ang pansamantalang rerelyebo kay Kuya Kim sa naiwan nitong trabaho.

"Mga Tiktropa, mag-ingay para sa ating paboritong mars, Camille Prats!" anila.

Maki-Balita: Hindi sincere? TiktoClock hosts, sinita sa paraan ng pakikiramay kay Kuya Kim

Kaya naman sa pagpanaw ni Enrile, muling nag-trending si Camille. Narito ang mga X post ng mga netizen:

"Camille Prats Pasok!!!"

"Rip juan ponce enrile at dahil jan mag-ingay para sa paborito nating mars camille prats"

"REST IN PEACE JUAN PONCE ENRILE and mag ingay sa ang ating paboritong MARS, CAMILLE PRATS!"

"R.I.P Enrile and Happy Birthday kay Cristine Reyes, mag-ingay para sa ating paboritong Mars, Camille Prats!"

"rest in peace juan ponce enrile at mag-ingay para sa ating paboritong mars… camille prats!!!"

"condolence po, at dahil diyan, let's welcome camille prats!"

"Ang bilin po ni Enrile ay ituloy ang pagbibigay saya dito sa Pilipinas. Kaya ngayon pong umaga, isang malapit kaibigan ang sasalo sa kanya! YES, MGA TIKTROPA, MAG-INGAY SA ATING PABORITONG MARS, CAMILLE PRATS!"

"Rest in Peace, Former Senate President and Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile. At dahil dyan, mag-ingay para sa ating paboritong mars, Camille Prats"

Kaugnay na mga Balita
KILALANIN: ‘Gusto ko, happy ka!’ Sino si Juan Ponce Enrile?
ALAMIN: ‘Words of wisdom’ mula kay Juan Ponce Enrile, ang naging ‘longest serving politician’ ng bansa