Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang La Union nitong Huwebes ng hapon, Nobyembre 13, ayon sa PHIVOLCS.
Ayon sa datos ng ahensya, nangyari ang lindol kaninang 5:57 PM sa Bauang, La Union. May lalim itong 10 kilometro.
Naitala ang Intensit III sa Baguio City at Intensity I sa Itogon, Benguet.
Bukod dito, may naitala ring instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity III - City of Vigan, ILOCOS SUR; Bani, PANGASINAN
Intensity II - San Fernando, LA UNION; CITY OF DAGUPAN
Intensity I - Bangar and Santol, LA UNION; Bolinao, PANGASINAN
Samantala, wala namang inaasahang pinsala at aftershocks matapos ang lindol.