Nagsalita na ang Department of Public Works and Highways (DPWH) hinggil sa pagkamatay ng isa sa kanilang mga opisyal mula sa Sorsogon.
Sa inilabas na pahayag ng DPWH nitong Huwebes, Nobyembre 13, 2025, kinumpirma ng ahensya ang pagkamatay ng naturang opisyal, kasunod ng isyung nag-uugnay sa pagpanaw nito.
“The entire Department of Public Works and Highways (DPWH) family is mourning the passing of our colleague, Engr. Larry Reyes,” anang ahensya.
Saad pa ng DPWH, may pakiusap din umano ang ang pamilya ng opisyal matapos kumalat sa social media ang dahilan ng kaniyang pagkamatay.
“While there is much speculation and unverified reports on social media regarding his circumstances, Engr. Reyes’ family has requested the public and media for privacy and necessary space to grieve his deep loss away from public scrutiny, especially during this difficult time,” saad ng DPWH.
Dagdag pa nila, “This is a profoundly private and personal matter and not related to any of the agency's issues.”
Matatandaang inulan ng mga espekulasyong kinitil ng nasabing opisyal ang kaniyang buhay bunsod umano ng pressure sa imbestigasyon ng flood control projects.
Sinasabing ang biktima ay dating chairman ng Bids and Awards Committee mula sa nasabing Engineering Office.
KAUGNAY NA BALITA: Opisyal ng DPWH, kinitil sariling buhay dahil umano sa isyu ng flood control projects?