December 13, 2025

Home BALITA National

BIR, kinasuhan 89 kontratista, DPWH, COA officials dahil sa ₱8.86B tax evasion—PBBM

BIR, kinasuhan 89 kontratista, DPWH, COA officials dahil sa ₱8.86B tax evasion—PBBM
Photo courtesy: RTVM (YT), BIR (FB)

Nagsampa umano ng kaso ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) sa aabot na 89 na mga kontratista, opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), at Commission on Audit (COA) dahil sa hindi pagbabayad ng buwis. 

Ayon sa isinapublikong report ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., kaugnay sa tatlong buwan nilang imbestigasyon sa maanomalyang flood-control projects nitong Huwebes, Nobyembre 13, ibinahagi niyang aabot sa ₱8.86 billion ang natuklasaang tax evasion ng BIR mula sa mga nasabing bilang ng mga kontratista, siyam (9) na opisyal ng DPWH at COA. 

“Mula naman November 6, nagasampa naman ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng sampung kaso sa DOJ laban sa mga opisyal ng DPWH at mga contractor,” pagsisimula ni PBBM

Pagdidiin pa niya, “umaabot sa 8.86 billion pesos ang kanilang tax liabilities.” 

National

'Admin, Duterte group, liberal groups dapat magkaisa para sugpuin korapsyon!'—Ex-PNR Chair Macapagal

Photo courtesy: RTVM (YT)

Photo courtesy: RTVM (YT)

Anang Pangulo, tungkol umano ang nasabing kasong isinampa ng BIR sa mga nasabing sangkot sa hindi nila pagbabayad ng buwis sa gobyerno. 

“Ito ang mga buwis na hindi nila binayaran at nakita ng BIR, upon investigation, ngayon kakasuhan sila upang mabawi ang kanilang utang sa gobyerno dahil sa buwis na hindi nila ibinayad,” aniya. 

Dagdag pa ni PBBM, asahang mayroon din daw multa ang mga kasong tax liabilities sa mga sangkot na indibidwal. 

“Syempre may mga multa ‘yan dahil hindi sila [ay] nagbayad. Ito ay tax liabilities na sangkot sa mga kasong tax evasion at failure to file accurate information,” pagtatapos pa niya. 

Samantala, hindi naman ibinahagi sa publiko ng Pangulo ang pagkakakilanlan ng mga umano’y sangkot na kontratista, opisyal ng DPWH at COA.

MAKI-BALITA: 'Wala pang kaso!' PBBM, ipinaliwanag bakit 'di pa nakakansela passport ni Zaldy Co

MAKI-BALITA: 'Di Nagamit?' PBBM, kinumpiska natenggang heavy equipments ng DPWH noon pang 2018

Mc Vincent Mirabuna/Balita