January 04, 2026

Home SHOWBIZ Relasyon at Hiwalayan

'Bigyan n'yo kami ng ebidensya!' Romualdez, wala sa listahan ng kakasuhan sa flood control scam—PBBM

'Bigyan n'yo kami ng ebidensya!' Romualdez, wala sa listahan ng kakasuhan sa flood control scam—PBBM
Photo courtesy: Screenshot from RTVM/via MB

Sinabi mismo ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na wala sa listahan ng mga makakasuhan sa maanomalyang flood control projects ang pinsan niyang si Leyte 1st District Rep. Martin Romualdez at dating House Speaker Martin Romualdez, batay sa kaniyang isinagawang presidential report nitong Huwebes, Nobyembre 13.

Ayon kay PBBM, wala sa listahan si Romualdez dahil wala pang matibay na ebidensya laban sa kaniya.

"The [former] speaker [Romualdez] no, not as yet. If something comes out, then he might have to be answerable for something."

"Bigyan n'yo kami ng lahat ng ebidensya na mayroon kayo para magamit natin para kasuhan kahit sino."

Relasyon at Hiwalayan

Dustin, nainlab kay Bianca; nagkakamabutihan na nga ba?

"Walang exempted dito, sa mga imbestigasyon na ito," aniya pa.

Bukod dito, nauna nang sinabi ni PBBM na hindi aabutin ang Pasko na may mananagot na sa mga nasasangkot sa maanomalyang flood control projects.

Kaugnay pa, nagsampa ng kaso ang Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Department of Justice (DOJ) sa aabot na 89 na mga kontratista, opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), at Commission on Audit (COA) dahil sa hindi pagbabayad ng buwis.

Ayon kay PBBM, aabot sa ₱8.86 billion ang natuklasaang tax evasion ng BIR mula sa mga nasabing bilang ng mga kontratista, siyam (9) na opisyal ng DPWH at COA.

“Mula naman 6, nagasampa naman ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng sampung kaso sa DOJ laban sa mga opisyal ng DPWH at mga contractor,” anang Pangulo.

KAUGNAY NA BALITA: BIR, kinasuhan 89 kontratista, DPWH, COA officials dahil sa ₱8.86B tax evasion—PBBM