December 14, 2025

Home BALITA

'Be careful!' PNP, nag-abiso sa fake socmed account na gumagamit sa pangalan nila

'Be careful!' PNP, nag-abiso sa fake socmed account na gumagamit sa pangalan nila
Photo courtesy: Philippine National Police/FB


Pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) ang publiko patungkol sa isang social media account na gumagamit umano ng parehong pangalan ng kanilang institusyon.

Sa ibinahaging ulat ng PNP noong Miyerkules, Nobyembre 12, nanindigan ang awtoridad na wala silang koneksyon sa naturang account.

“The Philippine National Police has been made aware of a duplicate social media account using the name ‘Philippine National Police.’ We want to make it clear that this account does not belong to the PNP and is not in any way connected to our organization,” anang PNP.

Dagdag pa nila, “We are already working closely with our Anti-Cybercrime Group (ACG) to look into this matter and take the necessary actions against those behind the fake account.”

Pinag-iingat din nila ang bawat isa at pinaalalahanang makibahagi sa mga hakbang ng awtoridad upang sugpuin ang pagkalat ng maling impormasyon.

“We remind everyone to be careful when following or sharing posts from pages claiming to represent the PNP. Always check if the account is verified or visit our official social media pages and website for accurate and reliable information. Your vigilance helps us stop the spread of misinformation and protect the integrity of our organization,” pagtatapos nila.

Photo courtesy: Philippine National Police/FB

Matatandaang kamakailan, ilang ahensya na rin ang nagpaalala patungkol sa mga social media users na ginagamit ang pangalan ng kanilang institusyon upang makapanloko at makapambiktima.

KAUGNAY NA BALITA: DSWD, pinag-iingat publiko sa 'scammer' na nagpapanggap bilang si Sec. Rex Gatchalian-Balita

KAUGNAY NA BALITA: DPWH, nagbabala sa mga nagpapanggap bilang si Sec. Vince Dizon-Balita

KAUGNAY NA BALITA: Scam alert! DILG, nagbabala kontra mga nagpapanggap na abogado-Balita

Vincent Gutierrez/BALITA