December 12, 2025

Home BALITA

3 senador, kasama si dating DPWH Sec. Bonoan, pakakasuhan ng ICI

3 senador, kasama si dating DPWH Sec. Bonoan, pakakasuhan ng ICI
Photo courtesy: via ICI

Inirekomenda ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) nitong Huwebes, Nobyembre 13, 2025 ang pagsasampa ng kaso laban kay dating Kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Manny Bonoan, tatlong iba pang kasalukuyan at dating senador, at iba pang indibidwal kaugnay ng umano’y katiwalian sa mga proyekto sa flood control.

“The Commission will be recommending that the Ombudsman assess whether there are possible potential violations of the Code of Conduct and ethical standards for public officials and employees may exist on the part of former DPWH Secretary Manuel Bonoan,” ani ICI chairperson Andres Reyes Jr., sa press briefing.

Dagdag pa niya, “We will be filing cases at least against three sitting or former senators. At least three, next week.”

Matatandaang kamakailan lang nang kumpirmahin ng Department of Justice (DOJ) na  nakalabas na ng bansa si Bonoan at nagtungo sa United States. 

Sen. Bato, masayang nakita ang apo

Nauna nang nirekomenda ng ICI ang pagsasampa ng reklamo laban kina Senador Jinggoy Estrada at Joel Villanueva.

Ayon mismo kay Atty. Polo Martinez, tagapagsalita ng kagawaran, mayroon silang ‘real time monitoring’ at ‘reporting’ sa kilos ng naturang dating opisyal.

Aniya’y mahigpit nilang binabantayan ito sakali mang lumipad o magpalit ng lokasyon mula US tungo ibang bansa at lugar.

Samantala, ayon pa kay ICI spokesperson Reyes, inirekomenda rin ng komisyon ang pagsasampa ng administrative complaint laban kina Bonoan, dating DPWH undersecretaries Roberto Bernardo at Catalina Cabral, kaugnay ng ₱74 milyong “ghost project” na flood control sa Hagonoy, Bulacan.

Kabilang pa sa masasampahan ng kaso batay sa rekomendyasyon ng ICI hinggil sa mga kasong graft, malversation, at falsification ay sina dating opisyal ng Bulacan First District Engineering Office na sina Henry Alcantara, Brice Ericson Hernandez, Ernesto Galang, Jolo Mari Tayao, John Michael Ramos, at Lemuel Ephraim Roque. Kabilang din sa mga nirereklamo si Darcy Kimel Respecio ng Darcy & Anna Builders and Trading, ang kontratista ng nasabing proyekto sa Hagonoy.