Target ng Department of Health (DOH) at World Health Organization (WHO) na maisailalim sa screening laban sa tuberculosis (TB) ang nasa 12 milyong Pinoy sa buong bansa sa taong 2026.
Ayon sa DOH nitong Miyerkules, Nobyembre 12, layunin nitong masugpo ang pagkalat ng TB sa bansa.
Nasa ilalim din anila ito ng newly-approved na Philippine Strategic TB Elimination Plan Phase 2 (PhilSTEP2) 2025-2030.
Anang DOH, ipinanukala nila ang isang P4.2-bilyong budget para sa TB services sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program (NEP), alinsunod sa direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na pigilan at unasan ang TB cases sa Pilipinas.
Nabatid na ang TB ay nananatiling isa sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay sa Pilipinas.
Batay sa pagtaya, nasa 98 Pinoy ang namamatay sa TB kada araw.
Paglilinaw naman ng DOH, ang naturang bilang ay 3% na pagbaba na mula sa mga naitalang TB deaths noong nakaraang taon.